Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makapamasyal sa isang kilalang mall dahil na rin araw ng biyernes at kinabukasan ay walang pasok. Ang una kong napansin nang nag-iikot na ako sa loob ng mall ay ang di pangkaraniwang dami ng tao sa Lacoste Store. Dahil na rin sa pagigiging tunay na pinoy ko (read: usisero), ako ay pumasok din sa naturang shop upang alamin kung ano ang nagaganap na kaguluhan. Pagpasok ko ay napuna ko na wala namang dapat ikataranta ang mga tao at lalo namang di dapat sila magsiksikan dahil wala namang sale ang naturang shop. Isa isa kong sinilip ang mga tinda nila at kung magkano ang mga presyo, halos himatayin ako sa nakita kong halaga ng isang pirasong polo shirt. Ganun na pala kamahal ngayon ang mga branded na polo shirt, halos katumbas na ng kinsenas kong sahod ang isang polo shirt nila. Bigla ko tuloy naalala yung nabasa kong isang article sa internet para ipaalam sa mga tao ang pagkakaiba ng tunay na lacoste shirt sa pekeng lacoste. Ang orig palang lacoste ay mother of pearl or MOP ang ginagamit na butones at ang mga butones ay walang tatak na lacoste at yung logo ng buwaya. Tapos ang sukat pala nito ay hindi XL, L, M o S kungdi numero katulad ng 3, 5, 7 etc kung US made at 35, 36, 36 etc kung European made naman. May nagsasabi namang kapag tatlo raw ang butas na lalagyan ng butones ay peke ito. Dito ay hindi ako sang-ayon dahil mismong si Totoy Lacoste ang nag-iisang anak ng founder ng lacoste ay ipinaliwanag sa akin ito. Yun daw dalawa lang ang butas sa lalagyan ng butones ay tinatawag nilang lacoste comfort fit at yung may tatlong butas naman ay yan yung lacoste classic. Nakakainis kasi kapag halos kalahating buwan na sahod mo ang ipinangbili mo ng isang pirasong polo shirt tapos peke pa pala ang mabibili mo. Isa sa pinakamabuti niyan ay dapat kung bibili ka rin lang ng ganyan kamahal na t-shirt dapat ay bumili ka lang sa mga tinatawag na authorized reseller para hindi ka mapeke. Pero ang sigurado ako, kapag peke ang lacoste, ang nakalagay na logo diyan ay ibon.
Friday, January 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment