Saturday, January 06, 2007

You'll find a god in every golden cloister


making faces along khaosan road


wish you were here, a hippie bar along khaosan road


future model beside tuk-tuk (taxi-kel) along khaosan road


kiko and pards with cool chick at the grand palace entrance


pards at grand palace


moonshiner was stopped by thai police inside Lumphini Park for questioning, a case of mistaken identity, they thought i am John Lennon in drag.


Bangkok-January 01, 2007- Nagising ako ng maaga mga bandang alas sais kinse, kung sa atin ito alas siete kinse na dahil lamang tayo ng isang oras sa oras nila. Dahil nasanay na akong magising ng maaga kahit medyo amoy singha beer pa ako, naisipan ko nang lumabas para makapaglakad naman sa paligid ng bangkok.

Kakaunti ang mga tao at sasakyan ng umagang iyon dahil na rin siguro katatapos ng selebrasyon at marami pa sa mga tao ang may hang-over. Dito ko nakita ang tunay na anyo ng bangkok, nakisalamuha ako sa dalawang naglilinis ng kalsada na parang metro aide sa atin. Kaso nga lang ay hindi sila marunong magsalita ng ingles at lalo namang hindi nila ako maintindihan nung magtagalog ako, kaya puro sign language lang kami.

Tapos ay nagtungo ako sa Lumphini Park kung saan nakatayo ang estatwa ni King Rama VI, mas kilala sa pangalang Mongkutklao or King Vajiravud. Siya yung unang anak ni King Rama V (siempre naman) kay Queen Saowaphaphongsi. Naging hari ito nung madedbol ang erpat niya nung October 23, 1910, kaya siya naging King Rama VI. Ang Lumphini Park ay parang Luneta, Quezon City Memorial Circle at Burnham Park na pinag-isa. Dito ka makakakita ng mga naglalakad na magagandang chiching at mga expats na nagja jogging. Mayroon din ditong free lessons na Tai Ichi at Kung Fu at kung gusto mong maging loving loving sa kasama mo ay puede kayong mag boating-tingan dito.

Pagkatapos kong mag usisa err magjogging sa Lumphini Park ay bumalik na ako sa Frazer condo para sampulan na ang binibida nilang buffet breakfast sa terra cota resto. Pagtingin ko pa lang sa pagkain ay nalimutan ko na agad ang pinagpaguran kong exercise. Ang una kong nilantakan ay yung fried bacon with mozarella cheese, french toast, lugaw thailand na wansoy ang binubudbod imbes na murang dahon ng sibuyas, vegetable salad with ten thousand delights and gorgonzola cheese at freshly squeezed orange juice.

Habang hinihimas ko ang tiyan ko sa lobby ng hotel ay nagyaya na ang host namin na gumayak na kami para sa susunod naming iterinary sa araw na iyon. Naglibot muna kami sa city proper at ipinakita sa amin ang mga magagandang lugar dito. Sumunod ay nagtungo kami sa Wat Po kung saan makikita mo dito yung nakahigang buddha para itong Wet Pu sa pinas kung saan makikita mo yung malaking puwet. Tapos ay pumunta kami sa grand palace, ito yung bahay ng hari nila (His Majesty King Bhumibol Adulyadej), maraming namamasyal dito, kaya lang ay may batas dito na hindi ka makakapasok sa grand palace kapag hindi ka nakasapatos na may medyas, naka sleeveless ka na walang manggas dahil sacred ang lugar na ito.

Napuna ko na puro naka dilaw ang mga karamihan sa Thailander nung araw na iyon ng lunes o new year kaya tinanong ko si boonlert kung bakit. Ito pala yung tinatawag nilang yellow day o yung pagsusuot ng damit na kulay dilaw bilang respeto sa kanilang hari. Akala ko tuloy ay si Tita Cory na ang naging hari dito.

Pagkatapos naming magliwaliw ay pumunta naman kami sa Polo Chicken Fried para umorder ng fried chicken (siempre naman), fish fried, ewan soup (hindi ko kasi alam ang tawag sa soup), flalies, papayang achara (favorite daw kasi ito dito) at spare ribs uli dahil hindi available ang spicy eel.

Nung hapon naman ay nagtungo kami sa khaosan rd, ito yung tinatawag nilang puntahan ng mga backpackers kung saan maraming mabibiling street foods at mga souvenir items. Kilala rin itong istambayan ng mga hippies, junkies, reggae, funks, bitch, whore, crossdressers and the in betweens. Itong khaosan road ay parang mabini at malate strips sa atin, meron ding ditong mga musikero, kaya kung hilig mong manood ng rock and roll, jazz, blues o simpleng thai folk music, this is your place to be. Puede ka rin ditong magpa ayos ng buhok mo para magmukha kang reggae at ang dami mong masasalubong dito na puro labas ang pusod at kita na halos ang mga dede.

Pagkatapos naming kumain dito ng inihaw na pusit, manok, mais, parang thai fishball, saging na binalot sa pambalot ng lumpiang sariwa na nilagyan ng chocolate syrup ay lumipat naman kami sa night market nila sa sentro ng bangkok, mga bente minuto rin and layo mula sa khaosan road.

Ang night market naman ay para kang nasa libis QC at tiangian na pinagsama. May mga inuman dito na may tumutugtog na thai rockers (I wanna rock Yi), at mga bilihan ng lahat ng klaseng paninda, tooter na korteng buddha, rolling paper na amoy mint o tree flowers, pinatuyong scorpion, alupihan, gagamba, mga thai boxing shorts, t-shirts etc. Dito mo rin makikita ang pinakamalaking Ferris Wheel, pero mabagal lang silang umikot at nakakulong ang mga sumasakay sa cage para siguro maiwasang malaglag ang mga pasaherong naka diyes litros na.

0 comments: