Wednesday, January 17, 2007

I'll wait

Nakita nyo na ba yung bagong cellphone na gawa ng apple. Ito yung iphone kung tawagin nila, malupit ang itsura, sa tingin ko ay kasing lapad nung dating palm pilot at kasing nipis naman ng toshiba pocket pc. Ang maganda pa nito ay 3 in 1 siya dahil mayroon ka nang telepono, ipod (kung mahilig ka sa music) at internet connectivity (kung mahilig ka namang mag surf sa FHM). Ito na yata ang holy grail ngayon ng cellphone, bigla tuloy akong nawalan ng gana sa 3210 ko. Nagkalat na sa internet ang picture nito pero ang balita ay middle of 2007 pa ang labas nito sa ibang bansa at sa asia naman ay baka 2008 na dumating dito. Siempre dahil sa bago ang istilo nito medyo mahal pa ang presyo niya, kaya malamang ang magkaroon lang dito sa pinas ng ganyan ay yung mga snatcher err i mean yung mga nasa mataas na lipunan lang. Nagtataka nga ako dito sa pinas, napakahirap na bansa natin pero lahat ng magagandang cellphone ay dito mo makikita. Masarap din talaga ang maging mayabang. Dito kasi sa atin, di bale nang huwag mananghalian basta meron lang tayong pang load at pang porma sa cellphone natin, diba yung iba nga diyan ay binibihisan pa nila ang cellphone nila para kakaiba nga naman ang porma. Pero subukin mong sundan yung may magandang cellphone dito ng isang buong araw, kita mo halos hindi nagmemeryenda yan at sa bus na hindi aircon sumasakay. Pero pag dating sa opisina niyan, nakatodo pa yung ringing tone niya na boom tarat tarat. Mabalik tayo sa iphone, isa pala sa magandang feature nito ay yung touch screen lang siya, kaya kahit hindi ka marunong gumamit nito ay madali mong matututuhan. Kaya lang parang ang tagal naman yata ng 2008, meron na kayang tinda nito sa quiapo.

0 comments: