Thursday, January 25, 2007

accidental tourist

January 22, 2007-maaga pa lang ay nakahanda na ako para tumungo sa napag-usapan naming lugar ng mga makakasama ko para sa isang "provincial assignment". Pagdating ko sa lugar na napag-usapan na magkita kami ay namataan ko na agad ang aking mga makakasama. Sa limang tao na nadatnan ko sa nasabing lugar, isa lang ang nakilala ko, siya si Tony, dati nang kakilala ang iba naman ay ipinakilala sa akin at ito ay si Don at Joey mga kasamahan ni Tony sa isang ahensya at ang dalawa pa ay nakilala kong si Boy, driver alalay ni Tony at isang chiching na asawa pala ni Tony. Matapos ang pakilanan ay sinimulan na naming tumungo sa probinsya na pupuntahan namin lulan ng isang van. Hindi pa man kami nakakalayo ng biyahe ay nag-aya na agad si Tony na dumaan sa isang gasolinahan para mag-agahan. Kaya napagkasunduan naming kumain muna sa isang chicken house na may tatlong letra lang ang pangalan. Pagkatapos ay sinimulan na uli namin ang aming biyahe. Pagkatapos ng halos siyam at kalahating oras na paglalakbay ay narating na namin ang Gamu Isabela. Medyo madilim na kaya naisipan na namin na magpahinga na muna kaya nagtungo kami sa Ilagan para humanap ng matutulugan. Doon ay may isang sikat na tulugan o yung tinatawag na hotel com apartelle, ito yung marjs hotel, isa itong 5 star hotel, pero kung iyung oobserbahan para lang itong isang pipitsuging inn kung ikukumpara mo sa mga 5 star hotel sa manila. Sa itaas ng marjs hotel ay mayroon silang inuman o yung rooftop garden kung tawagin nila, native ang motiff para kang nasa isang malaking bahay kubo at ang mga upuan ay gawa sa kawayan. Paborito itong inuman ng mga taga Ilagan Isabela dahil na rin sa masarap ang pagkain/pulutan at mura ang inumin. May tumutugtog din dito at puede kang kumanta kung gusto mong maki jam sa kanila.

0 comments: