Bangkok-January 03, 2007-Maaga pa lang ay gising na kaming lahat at naghihintay na kay boonlert at sa driver ng van dahil medyo malayo ang pupuntahan namin ngayon. Isa at kalahating oras din daw ito tatakbuhin. Ang tinutukoy namin ay ang Damnernsaduak Floating Market.
Kaya habang wala pa ang sundo namin ay naisipan naming kumain muna ng agahan sa terra cota resto dahil libre naman kami sa buffet breakfast. Nung dumating na ang sundo namin ay tumungo na kami sa Damnernsaduak Floating Market. Isa ito sa mga tourist attraction dito. Dito yung sasakay ka ng bangka at ipapasyal ka sa mga nagtitinda ng kung ano ano sa tabing ilog, para itong venice.
Pinasikat din ito sa pelikulang James Bond na pinamagatang Man with the Golden Gun kung saan bida si Roger Moore. Sa pelikulang iyon ay pinakita si Roger Moore na nakasakay sa bangka at nakasalubong pa niya si Sheriff JW Pepper (Clifton James). Siya rin yung lumabas na Sheriff ng Lousiana dun sa pelikulang Live and Let Die na James Bond.
Pagkatapos namin sa Floating Market ay nagtungo naman kami sa Elephant Ride. Hindi na kami sumakay kasi parang ayaw ipaarkila nung mga buset yung elepante nila. Six hundred baht daw ang bayad kada tao, ano sila sinusuwerti. Kaya dumiretso na lang kami sa cobra show. Makikita dito ang ibat ibang klaseng cobra. Nung tinitignan ko nga yung mga nakakulong na mga cobra, ang naisip ko agad ay adobong cobra, estupadong cobra, papaitang cobra, cobra con carne.
Naputol lang ang iniisip ko nung biglang kagatin nung mama yung cobra para ipakita niya kung gaano na siya kagaling humuli ng cobra. Aktuwali last show na niya iyon dahil nun ding mismong araw na iyon ay namatay na siya (joke lang).
Tapos ng cobra show ay kumain naman kami sa isang roadside eatery na paboritong kainan ng mga biyahero. mMaraming kumakain dito kaya lang hindi ko maunawaan kung anong klaseng pagkain yun. Para sa akin lahat ng pagkain ay parang meatballs na maliit. Nang makarating na uli kami sa Frazer Serviced Apartment ay nagpahinga muna kami.
May reservation kasi kaming hapunan sa isang chinese restaurant. Dito na ako nagkaroon ng pagkakataon na umiskapo uli. May nakita kasi akong 7-11 store na may picture ng SMB Lights. Pagpasok ko pa lang sa 7-11 ay dumiretso agad ako sa tindahan nila ng mga beverages at amen praise the lord long, live the king, may tinda silang SMB Pilsen at Lights. Ang iniskor ko ay yung SMB Pilsen in can. Sampung lata agad ang hinakot ko sa 35 Baht per can. Nung babayaran ko na sa counter ay binigyan pa ako ng 5% discount dahil turista daw ako.
Habang hinihintay kong dumilim ay nilaklak ko na sa silid namin yung erbuk kong made in RP. Maya maya pa ay tinawagan na kami ng front desk operator at sinabing nanjan na raw ang sundo namin para ihatid kami sa Chinese Resto kung saan kami maghahapunan.
Service? ang lapit lang nung resto dito sa lugar namin. Araw araw nga ay nadadaanan ko iyon kapag naglalakad ako ng umaga. Kaya ang ginawa ko ay nagpa-iwan na lang ako at sinabi kong susunod na lang ako. Siempre pa habang nagpapalipas ako ng minuto ay binira ko uli yung erbuk ko, kaya nung dumating ako sa resto ay maingay pa ko sa unggoy thailand.
As usual dahil may kasama kaming mga bata at isip bata, chicken at shanghai agad ang nakita kong nakahain sa mesa namin, may kangkong at beef brocoli din, ang hindi ko machopstick na peking duck (alam kasi ni yawbadoodle na paborito ko ito). Yung buwakanginang meatballs na naman, yung isang luto ay may sabaw at yung isa ay may sauce. Apat na malalaking isda na may sauce din, acharang papaya na naman at maanghang na tuwalya, yun bang ginagawa nating kare-kareng tuwalya.
Tapos naming chumibog ay nagka-ayaan naman na magpamasahe kami sa malapit na thai massage center. Kaya kahit amoy SMB at peking duck ang hininga ko ay sumama na rin ako. Dito sigurado kang the original Thai massage ang mararanasan mo. Ang tigas pa ng dede nung nagmamasahe sa akin, kaya panalo, kaso lang hindi naman front ng prostitution yung massage center kundi talagang pang alis lang ng stress at relaxation lang talaga.
Ang iniisip ko kasing mga massage parlor ay katulad nung sa pinas, kung saan puede kang magpalipas ng boglayts mo.

0 comments:
Post a Comment