Friday, January 05, 2007

The bars are temples but the pearls ain't free


future model sandwitched by two thai buddha's atop 33rd floor's swimming pool


zivzoe inside rm 02-203 frazer serviced apartment


foods galore while cruising chao phraya river


kiko and ziv aboard chao phraya river cruise liner


kiko with singha beer


Bangkok-December 31, 2006-Ito ang simula ng limang araw na bakasyon at pagliliwaliw namin sa bangkok, thailand kung saan mas kilala sa pangalang Siam nung araw at binigyan pansin ng mga dayuhan dahil na rin sa pagganap bilang King Mongkut of Siam ni Yul Bryner sa pelikulang "the King and I".

Papalanding pa lang ang sinasakyan naming eroplano sa airport ng bangkok ay nakadama na agad ako ng kaunting pagkalungkot, hindi dahil malalayo ako sa pinas ng ilang araw, kundi dahil nakita ko sa itaas o yung tinatawag nating "birds eye view" ang ganda at pagkakaiba ng lugar nila sa atin. Pagsayad pa lang ng gulong ng eroplano sa runway ng bangkok airport ay mapupuna mo na agad ang malaking pagkakaiba ng airport nila sa paliparan natin, dito ay hindi ako nakaramdam ng bako bakong runway habang papalapit ang sinasakyan kong eroplano sa tarmac.

Pagkababa namin ng eroplano ay isang immigration officer lang ang nagtanong sa amin kung ilang araw kami magliliwaliw sa lugar nila. Pagkatapos kaming tanungin ay pinalabas na kami para naman makuha namin ang mga bagahe at tapos ay tuloy tuloy na kaming nakalabas ng bangkok airport ng walang hassle kahit kaunti.

Pagkalabas namin ng airport ay naghihintay na ang susundo sa amin, nakapuna sa aking pansin ang isang lalaki na kamukha ni omar suarez (F. Murray Abraham) "And chico, if anything happens to that buy-money, eee pobrecito... my boss is gonna stick your heads up your asses faster than a rabbit gets fucked". Anyway, napuna ko na ito palang look a like ni omar suarez ang magiging tour guide, interpreter, personal driver at taga buhat ng mga gamit namin. Nalaman ko na ang pangalan pala niya ay Boonlert ayon na rin sa host (read: yawbadoodles) namin. Siya ay dating lespulayts sa thailand at ngayon ay naka-assign sa host namin bilang personal bodyguard.

Habang binabaybay na namin ang kahabaan ng highway patungong city proper ng bangkok, hindi pa rin mawala sa akin ang kalungkutan lalo na't nakikita ko sa malayo ang naglalakihang gusali. Yun daw nakikita kong mga gusali ay ang tinatawag nilang commercial district o yung parang Ayala CBD (commercial business district) sa atin. Pero para sa akin mukhang napakalaki ng sakop ng kanilang commercial district kung ikukumpara natin sa ating Ayala CBD. Kahit pa siguro pagsamahin natin ang Ayala CBD, Ortigas, Ayala-Alabang at Greenhills shopping center ay maliit pa rin kung ikukumpara mo sa commercial district nila. Isang pagpapatunay na maunlad ang bansang thailand.

Pagdating namin sa sentro ng bangkok kung saan ay mananatili kami sa kabuuan ng aming bakasyon, napuna ko agad na parang tahimik ang kakalsadahan ganung marami namang sasakyan ang bumabaybay sa kalsada. Agad ipinaliwanag ni yawbadoodles sa akin na bihira daw ang gumagamit ng busina sa bangkok at napuna ko rin na parang walang traffic ganong ika 31 ng disyembre o yung tinatawag natin sa pinas na araw de peligro dahil na rin sa disperas ng bagong taon.

Kami ay agad nagtungo sa Frazer Serviced Apartments (55 Langsuan Road, Lumpini, Pathumwan, Bangkok 10330 Thailand) kung saan naka base ang host namin. Ito ay nasa gitna ng tinatawag nilang residential condo kung saan umuupa ang mga expats, kung baga sa atin ay nasa Salcedo Village ka, kaya puro pogi at magagandang chiching lang ang makikitang mong nagjajogging tuwing umaga. Napag alaman ko na mayroon din palang Frazer Hotel sa pinas. Pagpasok namin sa nasabing Frazer condo ay agad ibinigay sa akin ng aming host ang isang card na kamukha ng mga atm cards natin.

Ako ay biglang natuwa sa kanya dahil ipinahiram niya ang kanyang atm cards sa akin. Ngunit biglang nabawasan ang aking tuwa nung sabihin niyang hindi atm card yun kundi ang susi ng condo unit namin. Pagpasok ko sa condo unit sa room 02-203 ay biglang tumayo ang aking palong at naibulong ko sa sarili ko na "this is it", magpapanggap tayong mayayaman sa loob ng limang na araw.

Bakit kamo? kasi nampucha yung telebisyon pa lang ay Flat TV na at ang mga gamit sa loob ay puro high tets at may hot and cold shower pa (with mike enriquez accent). Rate daily sa kuwartong iislipan namin? THB 7,000.00. Kung kukuwentahin mo sa peso rate (1 THB x 1.30 PhP) lumalabas na PhP 9,100.00 kada araw ang upa sa buwakanginang kuwarto, pero libre kayo buffet breakfast araw araw sa terra cota restaurant na matatagpuan sa lobby ng condo, swimming pool, sauna at jacuzzi sa 33rd Floor, high tets na gym at sauna uli sa 32nd Floor at free ride sa elevator araw araw. Kaya para mabawi agad ang gagastusin sa upa ay pinayagan ko nang maligo agad sa mingming pool ang mga chikiting naming kasama.

Matapos naming makarekober sa presyo ng kuwarto nila ay nagyaya na ang host namin sa unang iterinary namin. Kaya ang "pasyalkain" group ay nagtungo na sa floating restaurant and river cruise sa gilid ng Chao Phraya river, para itong malinis na bersyon ng pasig river natin. Ang daming tao sa floating restaurant dahil karamihan pala sa mga mayayamam na thai's ay hindi nagseselebreyt ng new years eve sa mga bahay nila. May reservation na kami sa floating restaurant nung dumating kami kaya para kaming si Jim Carrey pagpasok sa loob ng restoran, dahil may nagtuturo pa sa aming mga naka chongsam na chiching kung saan kami uupo.

Siempre pa pag-upo namin ay tinanong na agad ako nung host namin kung gusto ko raw munang uminom ng beer habang hinihintay ang mga order naming chibug. Dahil na rin sa nahihiya ako sa host namin kaya sinabi kong "sige apat na bote lang ang kaya kong tirahin habang hinihintay ang chibug". Maya maya pa ay dumating na ang beer na inorder namin. Apat na "singha beer" na kasing laki ng grande sa pinas, ito raw ay lokal beer, kala ko pa naman ay SMB pilsen ang titirahin namin kaya apat agad ang akin, yun pala ay isang giant erbuk.

Nang dumating na ang order naming soup, meatballs na may tenga ng daga at silantro o yung wansoy at yung isang soup naman ay parang sinigang na sugpo pero mas maasim ay agad na naming nilaklalakan ito para hindi na lumamig, kasunod nito ay nagdatingan na ang pritong manok para sa mga bata, malaking isda na parang escabeche ang luto, spicy spare ribs, malaking sugpo na binugbog sa arina, chopsuey na may parang mata na mga tao, spicy giant pusit, pritong isda uli na may nakapaligid na wansoy, atcharang papaya na may kasamang hilaw na sitaw at pei-chai thailand at sankaterbang flalies (read: fried rice), arroy but mai phet.

Habang nilalaklakan namin ang chibug ay napuna ko na panay ang tunog ng cellphone ni Boonlert (remember omar suarez) at pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone ay may ibubulong sa host namin at ipapasa sa kanya ang cellphone. Maya-maya pa ay tatayo ang dalawa at lalabas sa gilid ng barko para ituloy ang pakikipag-usap sa telepono.

Nung malapit na kaming matapos kumain ay may nag annouce sa PA system ng floating restaurant na magsisimula na raw lumayag ang barko, dahil kasama ito sa binabayaran mo, yun bang habang kumakain at umiinom kayo ay lumalayag naman ang barko o yung bang tinatawag nilang river cruise. Nung marinig ito nung host namin ay ibinulong niya sa akin na hindi na raw kami sasama sa Chao Phraya River Cruise. Tinawagan daw siya ng mga kontak niya na umuwi agad sa condo na tinutuluyan namin at iwasan ang mga crowded places. Nagkakaroon daw sa sentro ng bangkok ng military movement at may sumabog na bomba sa victory monument at sa isang wet market kung saan dalawa na raw ang patay at maraming nasugatan.

Matapos kong marinig ito ay agad nalipat ang pansin ko sa mga telebisyon na nakapaligid sa loob ng barko at doon ko nga nakita sa CNN breaking news na may military movement na nga sa sentro ng bangkok. Agad namin kinuha ang chit namin para na rin makalabas ng barko, pero yung isa naming kasama ay hindi namin makita dahil pupunta lang daw sa second floor ng barko pero hindi pa bumabalik.

Ilan sa amin ang naghanap para masabihan siya na parang magkakaroon na naman yata ng coup de etat sa bangkok. Nung makita namin siya ay napuna ko naman na umuusad na ang barko para sa simula ng chao phraya river cruise. Kaya hindi na rin kami nakalabas ng barko dahil umusad na ito.

Sa madaling sabi ay umusad ang barko para makita mo ang kabuuan ng bangkok at hindi ko naman maialis sa sarili ko na paghambingin ang pasig river natin sa chao phraya river nila. Dito kasi ay wala kang makikitang squatter sa paligid ng river nila, kundi puro komersyo at yung mga tinatawag na place of worship nila o yung mga templo na naglalakihan ang mga rebulto. Dito mo rin makikita ang mga five star hotels nila kaya para kang namamangka sa gilid ng roxas boulevard natin.

Matapos ang ilang oras na river cruise ay huminto ang barko namin at ilan pang barko sa gitna ng river upang gumawa sila ng parang pabilog na porma, napuna ko na menos diyes na lang pala at bagong taon na, inisip ko na dito na kami aabutan ng bagong taon dahil hindi naman kami puedeng lumundag lahat at lumangoy sa pampang para makauwi na rin.

Habang lumilipad ang isip ko sa dami ng magagandang chiching sa barko ay bigla akong nakarining ng malakas na busina at pagkatapos nito ay sunod sunod na fireworks display sa mga naglalakihang hotel. New Year na pala, halos mabilaukan ako sa laway ko sa kasiyahang nasaksihan sa kanilang fireworks display. Lahat ay nakapokus ang tingin sa mga nagliliparang palamuti sa ulap, kaya nagkaroon akong obserbahan ang sari saring mga tao/turista na nanonood ng fireworks display. May mga amerikano, german, british, scotish na nakapaldang stripe na green, bumbay, intsik na mestisa, hapon na may kasamang tagaputol ng daliri, kaming mga noypi at lokal na thailanders.

Dito ko naobserbahan na iisa lang ang gusto ng sangkatauhan maging puti, itim, dilaw, kayumanggi o kahit anong uri ka pa man, kapayapaan at katahimikan lang ang gusto ng tao at kaunting kaligayan lang ay magkakaisa ang buong mundo. Pagkatapos ng putukan ay pinaandar na uli ang barko at kami ay nakalapit na sa babaan.

Nang pabalik na kami sa aming pansamantalang tirahan ay napuna namin na malinis na ang kakalsadahan maliban na lang sa mga militar at mga thai pulis na nakakalat sa kalye. Ibinalita sa amin ni boonlert na pinauwi raw ng maaga ang mga tao na dadalo sana sa new years countdown sa Rachadamri Rd. (dito rin sana kami iistambay para hintayin ang new year, kundi lang kami naipit sa river cruise) dahil na rin sa nagyaring sunod sunod na putukan, hindi ng fireworks kundi ng bomba na iniwanan ng mga hinihinalang terorista. ASUS.

0 comments: