Saturday, December 30, 2006

abante ang marunong at atras ang bobo

Ngayon ay ginugunita natin ang ika isang daan at sampung taon ng pagkakapatay kay Jose Rizal, ang kinikilala nating pambansang bayani. Dahil dito bukod pa sa araw ng sabado ay holiday kaya walang pasok ang karamihan sa atin. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na manood ng mga quiz/noontime show. Nakatawag sa aking pansin yung isang tanong doon na sasagutin mo sa pamamagitan ng text. Heto ang tanong nung game show host kung kaya ninyong sagutin: Ano ang tawag sa programa ng DOH kapag malapit na ang bagong taon, Oplan iwas _____blank blank blank. Piliin ang sagot sa mga sumusunod. 1. pusoy 2. dengue at 3. paputok. Pambihira ito ba naman ay tinatanong pa sa mga pilipino. Araw pa naman ng kamatayan ngayon ni Gat. Jose Rizal ang pambansang bayani na nakilala sa kanyang karunungan at sa pakikibaka para sa ating kalayaan tapos ganito kasimpleng tanong lang ang papahulaan mo sa mga tao. Ano nga ba ang sagot sa tanong na programa ng DOH kapag nalalapit na ang bagong taon, Oplan iwas ____?. Ang dali dali naman niyan, eh di Oplan Iwas Pusoy. Bakit kayo natatawa mali ba ang sagot ko, diba kapag malapit na ang bagong taon ay madalas maging programa ng DOH yan kasi marami sa mga pinoy ang mahilig maglasing at magpaputok kaya marami ang napuputukan at napuputulan ng mga daliri at yung iba naman ay isang buong kamay ang napuputol dahil na rin sa lakas ng mga pinapuputok nila. Paano ka ngayon makakapag pusoy kung wala ka ng kamay o kaya naman ay daliri. Kaya nga tinawag nila yang Oplan Iwas Pusoy. Tama ba ako Gat Jose Protacio Mercado y Alonzo Realonda y de Castro Rizal.

0 comments: