Kapag narinig mo yung guiness, ano ang pumapasok agad sa utak mo? siempre pa ito yung palakihan, paliitan, padamihan, pakuntian at kung ano ano pa na puede mong gawin, malagay ka lang sa guiness book of world record. Napupuna ko kasi ngayon sa pinas, kapag may piestahan, katulad na lang sa dagupan, nag ihaw sila na pagkarami raming bangus para daw mailagay ang ginawa nilang pag-iihaw sa guiness. Yung sa cainta naman ay nagluto ng malaking kalamay samantalang ang malabon ay gumawa naman ng isang damakmak na pancit. Enday hindi ko na nilagay yung salitang malabon dahil obvious naman na pag sa malabon ginawa ang tawag doon ay pancit malabon. Isa lang ang alam kong pancit malabon na hindi gawa sa malabon, tanungin mo ang mga taga meralco village sa marilao at may gawaan doon ng pancit malabon, paano nga kaya yun. Newey, ano kaya ang pumasok sa kukote na naman ng mga noypi at pilit nilang pinagmamalaki na puedeng ipasok sa guiness ang mga walang kabalastugang pinaggagawa nila. Isipin nyo pati sa pampangga gumawa sila ng higanteng sizzling plate at doon nila niluto yung pagkadami daming sisig. Paano kaya kung ang pasig naman ang gumaya, ano kaya ang gimik nila doon, pinakamaraming bato na naibenta at sa kalookan naman ay pinakamaraming nasaksak sa tagiliran ang isasali nila sa world record. Katunayan nga hindi na natin kailangang gumawa ng ganyan para malagay ang pinas sa guiness book, kasi noon pa naman kasali na tayo jan, may kuwento nga nung araw na ang pinakamatigas na ulo daw ay ang pilipino, kasi yung unang contestant ay kano at ipinakitang kaya niyang magbukas ng champagne sa pamamagitan ng ulo lang, palakpakan ang mga audience, tapos tinawag naman yung german at nagbukas ng delata sa pamamagitan din ng ulo, palakpakan din yung audience. Yung hapon naman ay nakagawa ng sashimi na ulo lang din ang ginamit. Tapos heto na tinawag na ang pilipino para ipakita ang galing niya, ilang beses din tinawag yung contestant na noypi pero ayaw lumabas. Ayun pagkatapos ng constest, nanalo yung pinoy, kasi ang tigas ng ulo ilang beses nang tinawag hindi rin lumabas.
Saturday, December 09, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment