Sunday, December 17, 2006

children of the grave

Napagkinggan nyo na ba yung black sabbath reunion concert nila. Wala lang naitanong ko lang kasi nahalukay ko sa luma kong baol yung cd, kasama na yung mga toot...err i mean toothbrush, toothpaste, tooth extraction tools, toothpick, torotooth. Bigla tuloy akong nawala, nung ikasa ko yung cd, kasi ba naman parang biglang bumalik yung alaala ko nung araw na may dala kaming maliit na cassette player sa draga* at nakaupo sa malalaking tubo habang pinapakinggan namin ang black sabbath sa cassette, siempre pa alam nyo na kung bakit dun kami nakaistambay. Bastos hindoropot hindi yung iniisip ninyo ang ginagawa namin dun sa draga. Puro bisyo at kaelan ang nasa isip nyo, kaya kami dun nakaistambay at nakikinig ng de bateryang cassette player dahil naghihintay kami ng mga eroplanong dumadaan, kasi nung araw isa sa ruta ng mga airplanes ito, dahil dati itong ilog na tinambakan para sana sa isang magandang project nung unang ginang natin. Hindi nyo maiisip kung sino yung dating unang ginang natin. Siguradong hindi si Tabako ang presidente nun kasi hindi naman isa lang ang ginang niya at lalo namang hindi si Erap yun dahil masyado namang maraming ginang ito. Ano kamo enday, si madam Cory ang unang ginang, unggoy... ay sori mam hindi kayo ang tinatawag kong unggoy kundi itong si enday, paano naman magiging unang ginang si madam eh siya mismo ang the president. Ang sinasabi kong unang ginang noon ay si Madam shoemart, err i mean madam meldy, siya ang may project sana diyan sa draga kaso lang naiwanan na nila ng di sinasadya, review your history books kung bakit naiwanan iyan ng hindi sinasadya.

*draga- dating ilog na tinambakan ng lupa (reclaimed area) ng mga kontratistang hapon para sa isang industrial at residential project sa ilalim ng bagong lipunan.

0 comments: