Sunday, December 17, 2006

ikaw ang bigatin

Ang dami na namang nababalita na kumakalat ang pekeng sampu at limang pisong coins. Ano ba ang mapapala ng mga namemeke nito ganung ang liit lang naman ng halaga, dahil ba sa mas madaling ipakalat ito kesa sa pekeng isang libo o kaya ay yung mga foreign currencies. Sino pa ba ang pumupuna sa ganito kaliit na halaga mapa orig o mapa peke pa man. Siguro kayo naranasan nyo na ring makakita minsan sa kalsada ng nakakalat na sampu o limang pisong coins, pero nagkaroon ka pa ba ng lakas ng loob na damputin ito. Nung araw kapag nakakita tayo ng coins sa kalsada halos magkauntugan pa ang mga ulo natin sa pakikipag unahan para damputin ito. Pero ngayon mag eskperemento ka, maglagay ka ng lima o sampung pisong coins sa kalye at obserbahan mo sa malayo kung may dadampot, malamang abutin ka ng pasko pero walang pupulot nyan. Nung minsan nga may binigyan akong nanapat na mga bata sa bahay namin ng sampung piso, ang mga hindoropot imbes na magpasalamat ay kinantahan pa ako ng "bum barat barat, bararat bararat bum bum bum", napasayaw tuloy ako ng wala sa oras at ako pala ang tinuring na bigatin, come on down.

0 comments: