Limang araw na lang pasko na naman. Kaya kahit saan ka mapuntang mall o kahit maliliit na tindahan ay may mga mamimili. Ang noypi talaga ay masasayahing tao, kababalita lang sa telebisyon na lalong tumaas ang antas ng kahirapan ng buhay, pero tignan mo halos hindi ka makalakad sa mga mall ngayon sa dami ng mga namimili. Ako rin mismo ay naguguluhan sa mga tirada ng mga noypi, madalas mong marinig sa atin na sobra raw ang hirap ng buhay ngayon at halos hindi umabot ang natatanggap na sahod (yun ay kung may trabaho ka). Pero bakit ayaw pa ring magpaawat ng iba sa pagtatapon ng pera. Ito na lang ba ang paraan para malimutan ang kahirapan, yung ubusin na rin ang kakaunting pera na natatanggap natin, dahil ang iba nga diyan ang dahilan ay minsan lang naman tayong makahawak ng pera kaya mabuti pa waldasin na rin, hindi naman natin madadala sa langit iyan. OO nga hindi natin madadala sa langit ang pera natin, pero kapag dito ka naman sa lupa nawalan ng pera, parang impyerno naman ang magiging buhay mo dito.
Wednesday, December 20, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment