Tuesday, December 05, 2006

It's the end of the world as we know it

Napanood nyo ba sa flat screen na telebisyon nyo yung amatuer, ammature, immatteur, amatteur, basta yung video nung mudflow na nangyari sa bicol? nakakatakot kala mo katapusan na nang mundo. Ngayon lang ako nakakita ng halos hanggang tatlong palapag na rumaragundong na putik, kaya talagang wala kang magagawa kundi ang sarili mo na lang ang iligtas mo. Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang ang dami ng mga senyales na para ba talagang malapit na namang mag the end ang human race. Nandyan ang giyera sibil, kagutuman, ang kahirapan, ang mga manloloko, mga manyakis na tinatalo na mismo ang kanilang mga anak at yung iba naman ay kung pumatay ng tao ay kala mo nananalbos lang. Hindi ba't halos lahat iyan ay pahiwatig na parang malapit na naman ang "this is the end...my only friend the end". May isa doku nga na pinapalabas ngayon sa mga piling sinehan na gawa nang isang talunang kandidato para sa pagka presidente at sinasabi sa doku na iyon ay ang tungkol naman sa global warming at yung pagkasira ng mga ozone layers natin. May posibilidad daw na mangyari yung mapalubog o mawala sa mapa ang isang lugar katulad ng nuyok. kasi dahil nga sa nangyayaring global warming, puede raw na baka malusaw ang isang tipak na yelo na halos kasing laki ng greenland at siempre pa kapag natunaw ito, tataas ang sukat ng tubig. Subukin nyong maglagay ng maraming yelo sa isang baso ng tubig at hintayin nyong matunaw, tiyak tatapon ang laman ng baso nyo kapag natunaw na ang yelo. Paano na lang kung sakali nga't dumating na naman yung araw ng pagbabawas ng sangkatauhan. Kunyari na lang biglang may naligaw na malaking asteroid sa mundo at tuluyang nakalusot sa mapanunaw na layers ng mundo. Sigurado ubos lahat ang mga texters nyan sa lupa. Ang masarap lang siguro diyan ay kung ikaw mag-isa lang ang matira sa lupa. Siempre pa kapag ikaw na lang mag-isa sa lupa, lahat na ng gusto mong gawin ay puede na. Una palitan mo agad ang pangalan mo ng Robert Neville para mukhang kano agad ang dating mo. Tapos punta ka sa malaking mall sa paranaque at kumuha ka ng ipod na may 100GB, magpalit ka ng lacoste na tashert, sapatos at rolex na relo, dahil wala namang sisita na sa iyo dahil nga mag-isa ka na lang sa lupa. Ang sarap sigurong magpatakbo ng magarang sasakyan tapos madadaanan mo si paris hilton na naghihingalo pa, ano pa gagawin mo. Para ka namang hindi lalaki niyan kapag sinabi mong hindi mo kukunin ang cellphone number nya, malay mo bigla rin siyang makaligtas, o di may ka text ka na. Bastos naman ang iniisip mo agad kay paris hindi yon ang iniisip kong gagawin, ika nga future investment yan pag naging close kayo. Ikaw rin barkada nya ngayon si baritni spears. Pero bakit katapusan na agad ng mundo ang iniisip natin, ang dami nang nagsabi nyan hindi naman natuloy. Kaya ako kung ano na lang muna ang dumating sa akin tama na yun at kung sakali ngang may hindi ayos na mangayari sa earth, no problem sa akin yan, kasi ngayon pa lang ay nag-iipon na ako ng styrofoam at kawayan at nag-aalaga na ako ng mga hayop, isang pares lang naman bawat hayop.

0 comments: