Ang masaya sa christmas season bukod pa sa malamig na panahon ay yung christmas party at pag sinabing christmas party ang ibig sabihin nito ay walang katapusang kainan at inuman. Kahapon ay nagdaos kami ng christmas party sa opis at siempre pa puno ang lamesa ng bar-b-q, chicken estupado, beef brocoli, kaldereta, lechon baboy from aling nena's, sugpo, bangus, kfc, jolibee, dolors kakanin, cold cuts, frita?, pancit palabok, pancit bihon, pancit luglog, buddies especial pancit, pancit malabon at pancit na regalo ng nag cater sa amin dahil sa dami ng pinaluto namin sa kanila. Japanes plater of sashimi, maki, sushi, teriyaki, voltes v, masingger z, naruto at sankatutak na alak-Black label, Red Label, Red wine, whisky, brandy, grape wine at beer, yes sankaterbang beer sa cooler, one case na beer sa ilalim ng lababo (para hindi raw makita ng mga bisita) one case na beer sa gilid ng mesa ni bossing, one case na beer sa ilalim ng table ko, sangkaterbang beer na nakababad sa drum sa loob ng banyo namin, tama ka enday sa loob mismo ng banyo namin ay may nakababad na ring beer at ice cold beer na hawak hawak naming lahat. So what will an ordinary mortal like us do with all those foods and drinks around us? 5-4-3-2-1 it's 12 noon at lusob mga kapatid laklak here laklak there, walang magtitira, may hawak na bar-b-q sa kanang kamay habang may beer sa kaliwang kamay, may nakaipit sa daliri na balat ng lechon habang pilit na ginagamit ang chopstick para makakuha ng sashiming salmon. Sir pakilapit nga yung wasabi at parang kulang yung nailagay ko, tnx ha...pare pakibukas pa nga ng beer at pakiabot yung sugpo mukhang masarap yan ah please. Habang lumalaklak kami ng beer, black, red at may GSM pa (with imbestigador accent) regaluhan naman ang sumunod. Ang batas ay bubuksan mo ang regalo mong natanggap, so we make bukas the gift na, ang natanggap ko ay sabon, ikaw pare ano ang nakuha mo? sabon pare, si mam tignan mo nga kung ano yung nataggap na regalo...sabon pare, sir nakuha nyo na ba yung regalo nyo kanina? oo nakuha ko na yung sabon na regalo sa akin baket? wala lang ser, may yelo pa kayo, bukas pa uli tayo ng black label ang bigla ko tuloy nasabi sa bossing ko, kasi baka sabunin ako bigla dun sa natanggap niyang regalo.
Friday, December 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
koya ang sarap naman ng ixchange geft ninyo kaengget.
Post a Comment