Thursday, December 28, 2006

bogatime

Kapag wala ka pang hawak nito ngayon malamang naiiwanan ka na ng panahon. Ang tinutukoy ko ay yung boga o yung modified pvc gun. Isa itong pvc pipe na madalas nating gamitin sa mga downspout na nilagyan ng trigger at lata ng ligo o kaya ay maling kung malaki ang pvc pipe na gagamitin mo at pagkatapos ay lalagyan mo ng alcohol na nabibili sa mga hardware, aalugin ng kaunti at kapag kalat na ang alkohol...enday hindi kalat na ang alkohol sa katawan ng tao kundi dun sa pvc pipe, kakalabitin mo na yung trigger at KABOOM ikaw ang bigatin. Yan ang gusto ko sa noypi kapag may bagong uso lahat halos ay gustong magkaroon, mapabata man o matanda. Kaya may mga enterprising noypi naman na sasabayan ang init ng uso at gagawa ng napakaraming boga para ibenta sa mga gustong maging "in". Ang resulta nawawala yung tinatawag na quality control dahil mass production na. Tapos nakisawsaw na rin sa uso ang DOH (Dureau of Health) at gustong kumpiskahin ang boga dahil bawal daw ito. Hoy mga buwakang... oops my temper is rising again. Ang ibig nyong sabihin delikado ang boga kasi kapag hindi sumabog sinisilip nung iba yung butas kaya nagiging dahilan para magkaroon ng tinatawag na misfire at nabubulag ang sumilip dito. Gagong tao lang ang sumisilip sa butas ng baril, maging laruan man ito o totoo, kahit si FPJ nung nabubuhay pa ay hindi sumilip sa butas na baril sa lahat ng ginawa niyang pelikula, dahil alam natin na delikado ito. Ang dapat ninyong ibawal at kumpiskahin ay yung nagkalat sa mga mall at sa bulacan na mga baby dynamite, sawa, defective fountain with horse manure, ten thousand rounds na trayanggulo, super lolo, pla-pla, hito, luces alimango (what is that) at watusi na napakadelikado hindi lang sa tao kundi na rin sa mga alaga nating hayop. Kasi ano ang dahilan? kapag kasi ang kinumpiska ninyo ay yung mga paputok sa mga mall at sa bocaue, hindi na kayo malalagay sa telebisyon at jaryo kasi masyado nang common sa atin ang mga tanawin na iyan, samantalang kung ang gagawin ninyong issue ay itong boga na talaga namang usong uso ngayon, eh di kasama kayo sa publicity. Ok boys are you ready? lets boga them while singing "boga boga, boga boga, yeh yeh".

0 comments: