Mukhang gusto na namang magbawas ng pipol sa lupa, kasi halos hindi pa natin nalilimutan yung nagyaring tsunami dulot na rin ng malakas na lindol sa dagat sa indonesia dalawang taon na ang nakakaraan, heto at bumira na naman ang inang kalikasan sa taiwan. Kung inyong oobserbahan, halos parehong disyembre 26 ito nangyari, patay na naman tayo nito sa mga panatiko ni nostradamus, kasi marami sa atin ang ayaw maniwala sa mga hula ni nostradamus. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ang mga sakuna at insidente ngayon ay laging nangyayari sa araw na dapat ay nagsasaya pa rin ang tao, dahil halos katatapos lang ng kaarawan ni bos jessie. Ginigising kaya ang mga pipol dahil parang nawawala na ang mensahe ng totoong kaarawan ni bossing. Kasi kung ating pupunahin, tuwing sasapit ang pasko o bago pa man magpasko, ang iniisip ng lahat ay magkaroon ng pera para may mabili o maeregalo sa kapwa nila. Hindi naman masama ang ganitong tradisyon dahil talaga namang bigayan ng regalo ang mga araw na yan, kaya lang parang natabunan na ng material na bagay ang tunay na pakay kung bakit may pasko. Tignan nyo na lang nung nagkaroon ng tsunami, ang daming turistang nasa dagat imbes na magpunta sa simbahan para magpasalamat dahil pasko na naman. Huwag na tayong lumayo, yung nagyaring sunog sa ormoc, diba ang kuwento nung mga saksi dun, halos puno ng tao sa mall at hindi magkandatuto ang mga namimili, pero subukin mong sumilip sa simbahan nung araw na iyon wala kang makikitang tao. Tapos sa marikina naman, kita nyo tumilampon yung isang "ride" na may sakay na mga bata. Kaya parang ginigising na uli ang mga tao na "hey magbago na kayo". Sana maipalabas na rin sa telebisyon yung documentary na isinalaysay ni al gore na "the inconvenient truth" para mamulat na uli ang mga tao. Tignan ko lang kung hindi tumino ang tao kapag nakita nilang halos isang buong bayan na ang nilulubog sa tubig dahil na rin sa pag aabuso natin sa isat isa at sa kalikasan. Remember Noah?
Thursday, December 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment