Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makita ang mga katropa ko sa damo. Hinde enday, wala itong kinalaman sa juts, chongkee, gas, tiny cigar, pampared eyes o mj. Ang sinasabi kong tropa ko sa damo ay yung mga katropa ko jan sa damong maliit sa novalichez. Kaya lang nakasanayan na naming tawagin yun na damo, isang lugar ito na malapit sa llano road at jordan heights. Kung ano ano kasi agad ang iniisip mo busettt hindoropot. Ayun nga siempre pa kapag nagkita kayo ng mga dati mong tropa, ano pa ang iisipin ninyo? walang iba kundi damo (yung lugar bastos). Dahil jan sa damong maliit ay marami kaming masasayang alaala, kaya punta agad kami sa jordan at doon nagtanghalian, may masarap kasing kainan doon na malapit sa tennis court. Sinilip din namin ang mga dating seksing chiching doon na naka jam namin nung araw. May mga tumaba na at may mga nalosyang na rin. Pero yung spirit ika nga ay nandoon pa rin. Newey pagkatapos naming magdamo err i mean magtanghalian, tinungo naman namin yung mga dating lugar sa nova na pinapasyalan namin at nagpalipas ng ilang oras para ihanda ang sarili sa isang malupit na tomaan. Nakisuyo ako kay kristopher, isa sa matatalik kong kaibigan jan na matagal ko na ring nakasama, supot pa yan nung magkakilala kami, ang masama lang hanggang ngayon ay supot pa rin sus. Ang pakiusap ko kasi sa kanya bukod sa magpatuli na siya ay kung maaari ay kambing ang tanpulutz namin kasi yan ang madalas naming tanpulutz noong araw bukod pa sa mga itik at pabo, marami kasi nung araw jan sa damong maliit na nagkalat na pabo, itik at kambing lalo na sa hacienda nila boyet at beto. Kaya para na rin mapagbigyan ang lambing ko sa mga tropa ay dinala nila ako sa isang kambingan jan sa gilid gilid ng nova. Sa madaling sabi ang naging tanpulutz namin ay kalderatang kambing, kilawing kambing, adobong kambing, sinampalukang kambing, papaitang kambing at apat na pirasong saging pampaalis ng umay. Masyado namang "sads" ang mga tropa ko dito, naglambing lang ako ng kambing (ok yun may rhyme-naglambing ng kambing) pero hindi ko naman sinabi na purgahin naman ninyo ako, mga hindoropot kayo. Kaya lang nanjan na lahat ang tanpulutz, so para malunok naman namin lahat yan ay tumira kami ng apatnapung bote ng malamig na serbesa, pati tuloy yung iniinom namin ang panlasa ko ay para na ring ihi ng kambing. Nung nagkakatarantahan na, bigla na lang akong umiwuhehehe.
Sunday, December 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment