Sunday, February 25, 2007

sa ikauunlad ng bayan...

Masyado nang dumarami ang walang trabaho dito sa pinas at nakaka-alarma na rin ang mga krimen na nangyayari dahil na rin sa kahirapan ng buhay ng mga tao. Nung isang gabi lang malapit na rin sa lugar namin ay may nakamotor na snatcher ng cellphone na naman ang nakatipak. Ang masama pa nito ang inagawan nila ng cellphone ay nasa tapat mismo ng bahay niya. Ganun na kalupit ngayon ang mga snatcher, ikaw na ang dadayuhin sa lugar nyo mismo. Ang modus operandi nila ay sasakay ang dalawang tao sa isang motorsiklo at mag-iikot sa loob mismo ng subdivision. Tapos kapag may namataang gumagamit ng cellphone ay lalapitan nila at kunwari ay magtatanong sila dun sa gumagamit ng cellphone. Kapag naispatan na nila ang modelo nung cellphone at tipong mamahalin ang unit ay agad nila itong tututukan ng patalim o kung minsan ay baril, siempre medyo mabibigla ka dahil nasa harap ka na mismo ng bahay mo kaya hindi mo na inaasahan na magagawa ito sa iyo. Hayun tapos kang tutukan ng mga buwakang inang mga kawatan at tatangayin na ang cellphone mo at broom bromm goodbye enday. Ang nakakapagtaka sa ganitong mga insidente ay bakit namamayani ang mga ito. Hindi ba kayang bantayan ng mga baranggay tanod, lokal na pulis o yun na mismong mga marshal ng ating homeowners association ang mga umaaligid sa loob ng ating mga subdivision. Sigurado namang hindi iisang beses lang nangyari yan. Bakit hindi tayo maglagay ng pain at abangan natin ang mga buwakang inang mga snatcher na ito at kapag nahuli sa akto sa ipalaplap ang laman sa buwaya. Pero hindi siguro magaganap ang ganitong diskarte kung mabibigyan lahat ng trabaho ang mga noypi. Unang una napakahirap maging snatcher kasi alam mo kapag nahuli ka, ang titi mo lang ang walang latay dahil sigurado pagpipiyestahan ka ng mga tambay bago ka nila isuko sa mga pulis na natutulog sa istasyon. Wala bang magagawa ang gobyerno natin para mabigyan ng marangal na trabaho ang mga noypi. Ang isa pang problema sa pinas ay yung madalas banggitin ng mga gusto mong pasukang kompanya na over age ka na raw. Ano ba ang edad para maging over age or over qualify ka sa isang trabaho. Ang alam ko kapag kaya mo pang gumalaw kahit otsenta anyos ka na ay puede kang magtrabaho. Sa ibang bansa nga yung mga lolo at lola na ay napapasok pang bagger sa mga groserya. Ang mahirap kasi dito sa atin masyadong tayong kulang sa trabaho kaya nalalampasan natin ang tamang edad para tayo makakuha ng trabaho. Ilang libo na ang nagsipagtapos ng kolehiyo na nakatanga lang sa bahay ngayon dahil na rin sa kawalan ng makukuhang trabaho. Tapos heto at eleksyon time na naman, ang karamihan sa mga battle cry ng mga buwakang inang mga trapo natin ay ang "libreng pag-aaral, edukasyon, pagkain sa hapag kainan at trabaho sa lahat ng mamamayan". Mga buset hindoropot kayong lahat mga buwakang... mga punye...anak kayo ng...enday akina nga yung micardis ko at valium tapos ipunin mo na lahat ang mga damit mo at umuwi ka na sa probinsiya nyo at sumama ka na lang sa mga namundok buset.

edsahin mo mukha mo

Gusto ko sanang sumulat tungkol sa anibersaryo ng EDSA USISA POWER na nagbigay nang kaunting pag-asa sa atin na baka magkaroon ng pagbabago sa kabuhayan ng pinoy. Kaya lang mula nang maganap ang kauna-unahang USISA POWER at magpahanggang ngayon ay wala akong maiisip na nagkaroon ng pagbabago sa buhay nating mga noypi. Lungkot wag na lang, magtitikol na lang ako kesa gunitain ko pa uli ang mga kaganapang ito buset hindoropot.

Jeepney Rock

Naranasan nyo na ba ang ma-traffic sa kalsada dahil na rin sa kagagawan lang ng isang jeepney driver. Sabagay madalas naman mangyari ito dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng mga driver natin dito sa pinas. Obserbahan nyo lang kapag minsang nagmamaneho kayo sa kalsada at kapag may mabagal na daloy ng sasakyan ang siguradong dahilan nito ay ang mga nagmamaneho ng mga dyip na binabalagbag ang kanilang mga sasakyan at walang paki-alam sa mga nakasunod na sasakyan sa kanila. Ang ipinagtataka ko dito sa mga naglalabas ng dyip ay kung bakit nila hinaharang ang mga gustong lumusot na sasakyan nila ganung mga pribadong sasakyan naman ito at hindi sila maaagawan ng pasahero. Nauunawaan ko sila kung bakit minsan ay binabarahan nila ang mga gustong lumusot lalo na't kung isang pampasaherong sasakyan din ito dahil baka nga naman sila maunahan ng kasunod nilang pampasaherong sasakyan sa mga darating na pasahero. Pero paki-usap naman, mga pribadong sasakyan ang dala namin at gusto rin naming makarating sa papasukan naming opisina. Hindi ba nila nauunawaan na kapag nakalampas na kami sa lugar ng tinatahak nila ay malaking kabawasan na rin kami sa daloy ng trapiko. Simpleng lohika lang naman yun kesa lahat tayong nagmamaneho at magkumpulan sa iisang lugar dahil na rin sa may isang pampasaherong dyip na bumalagbag sa kanto at naghihintay ng pasahero na naliligo pa lang sa bahay.

tado?

Napupuna nyo ba yung mga samahan ng operator at driver ng mga tricycle, bakit kaya lagi na lang TODA ang ginagamit nila. Kaya kapag napunta ka sa isang lugar katulad na lang sa Bulacan, sigurado ang makikita mong mga nakatatak sa tricycle nila ay MEYTODA kung nasa meycauayan ka, MARTODA kung nasa marilao ka naman. May nakita nga ako niyan sa Ilocos ang nakalagay naman ay CANTODA as in Candon Tricycle Operators and Drivers Association. Ang ipinagtataka ko naman ay yung sa boundery ng Tarlac at Andalucia bakit kaya ayaw nilang itatak sa mga tricycle nila yung samahan nila ganung maganda naman lalabas dahil kapag pinagsama mo yung Tarlac/Andalucia Tricycle Operators and Drivers Association and magiging abbrevation nila ay TARANTODA.

Wednesday, February 21, 2007

ane-to

Mga tol may nadiskubre na naman kaming bagong puwesto para sa mga tomadachi group. Malapit lang ito jan lang sa mga Gen. T De Leon ang pangalan niya ay ane-to hindi anito kasi baka madulas ka kung saan ka galing at masabi mo sa anito, delikado yun. Masarap ang mga tanpuluts nila todits, ang sinubok namin ay yung inihaw na panga ng tuna, steamed pla-pla, adobong kambing, crispy tenga at para maalis ang suya ay kumuha rin kami ng tokwa. Yung panga ng tuna nila ay da best at hindi talo dahil talaga namang ang laki, sabi nga nung isa kong kasama parang pinagdikit daw na boomerang sa laki. Yun namang pla-pla nila ay sariwa at maganda silang magluto nito, hindi tuyo at tamang tama lang ang pagkaka steam. Bukod pa sa masarap na nga ang luto ng mga tanpulutz nila mababait at magaganda pa ang mga sebedora kasi nahawa rin siguro sila dun sa anak ng may-ari na bukod sa mabait na maganda pa at dalaga pa ho (with inbestigador accent). Ang maganda pa dito ay puro kubo ang mga pupuwestuhan ninyo kaya may nature trip ka pang kaunti at maluwang ang parking space nila. Kaya lang nagkaroon don ng isang insidente, kasi nung medyo gabi na ay may lumapit sa aming batang lalake, sa pagtatanong namin ay sampung taon na pala yung bata. Nanghihingi siya sa amin ng piso para daw pambili ng pagkain. Piso pambili ng pagkain? ano ang mabibili mo sa buwakang ... piso ngayon. Kaya napagkasunduan namin na pakainin na lang yung bata dun sa kubo namin. Halatang gutom na gutom yung bata kasi inoorder namin siya ng toppings hindi na niya nahintay at humingi na lang ng kanin at inulam na lang yung tanpulutz naming crispy tenga at tokwa, tapos binigyan namin siya ng soup at softdrinks. Hindi ko maalis yung awa dun sa bata, kasi alas diyes na ng gabi ay nasa kalsada pa siya at naghahanap pa rin ng makakain, masyadong delikado ang panahon ngayon para sa ganyang mga edad. Ang kuwento niya ay patay na raw ang tatay niya at ang nanay naman daw niya ay may sakit. Parang scripted yung kuwento niya pero totoo man o hindi iyon ang nakakaawa ay yung pamamalimos niya sa ganung oras. Dapat kasi nasa bahay na siya at nag eenjoy sa panonood ng telebisyon, pero heto siya at nanghihingi pa ng limos, para tuloy biglang nagdugo ang mga puso namin. Nasabi tuloy namin sa sarili namin na mas mapalad pa rin tayo kesa sa iba, pero sana wala nang mahirap o mayaman kasi pare pareho lang naman tayong tao, bakit hindi pa tayo bigyan lahat ng magandang buhay habang nasa mundo tayo.

Saturday, February 17, 2007

acoustic

Nakaka gimik pa ba kayo kapag weekends? Siguro napupuna nyo na namamayagpag na naman ang mga acoustic sets ng mga musikero, mukhang nagsawa na naman ang mga gimikero sa mga nagngangawngawang gitara kaya mas pinipili nila uli yung mga bar na may mga acoustic guitarist. Kasi nga naman bukod sa nakakapag-usap kayo ng maayos ng mga ka date nyo o kaya naman ng mga tropa nyo ay naeejoy pa rin ninyo yung tinutugtog ng mga gitarista. Kaya nga nung minsan magkasama kami ni utol na nanonood ng acoustic set ni wally gonzales sa MBM ay biglang lumipad ang isip ko. Kasi pumasok sa isip kong magbuo rin ng isang acoustic duo ala MYMP. Naalala ko kasi nung araw sa bahay ng mga ermats namin ay nagjajam kami lagi ni utol sa kuwarto, dahil mahilig itong kumanta samantalang ako naman at may kaunting nalalaman sa gitara. Tanda ko nga noon, madalas naming tugtugin yung mga beatles, bob dylan, cordero marco pimentel na piyesa, banyuhay, labuyo at mga acoustic version ng mga rolling stones. Minsan nga ay nagsasabay pa kami pagpasok na nung koro ng stone na "love me hold me love me hold me and i'm free to do what i want achuchu". Kaya't binanggit ko nga sa utol ko yung pumasok na idea habang nasa kalagitnaan kami ng panunuod nung wally gonzales and friends sa MBM. Ok naman sa utol ko yung idea ang hindi lang naging ok ay yung gusto kong itawag sa itatayo naming grupo, kasi ang gusto kong pangalan ng grupo namin ay JoyCards Duet dahil na rin Ricardo Jr siya kaya puedeng ang palayaw niya ay Carding or Cards in short, ayun dahil lang sa pagpili ng pangalan ng grupo namin ay hindi na agad kami nagkasundo na utol ko, buset.

its summertime and the living is easy

Wow pare summer na naman, masarap na namang magliwaliw sa tabing dagat habang nakadisplay ang mga abs natin at nakasuot tayo ng pinakalatest ng speedo at crocs. Tapos may hawak kang malamig na beer in can at kaunting "duty" habang nakasuot sa tenga mo yung bose earplugs at nakikinig ka ng tugtog ni kuya Bobby Marley sa 1,000 GB mong ipod na gawa ng mga muslim sa Germany. Tapos habang sinisipa sipa mo yung patay na talaba sa tabing dagat ay bigla itong nagsalita ay sinabing isa siyang prinsesa na ikinulong sa shell ng talaba. Bigla kang napahinto at hininaan ang volume ng 1,000 GB mong ipod at pinakinggan ang kuwento ng prinsesa sa nakulong sa shell ng talaba. Sinabi niyang isa siyang wild child nung araw dahil na rin sa flower people siya at wala siyang inisip nung araw kundi ang mag party kasama ang mga mayayamang anak ng mga sultan ng mga oil rich country. Hindi daw siya iniintindi ng tatay niyang hari kasi abala daw ito sa pakikipag sex dun sa isa nilang slave na south american na long legged. Tapos yun namang nanay niyang reyna ay may kalaguyo din daw na gardener nila at mahilig sa threesome kasama ang personal niyang manikurista. May isa siyang kapatid na lalaki na papalit sa tatay niyang hari kapag nadedo na ito pero hindi rin siya binibigyan ng pansin kasi lagi lang daw nakakulong ito sa kuwarto at kasama ang ibang mga prinsepe ng ibang kaharian. Dahil dito kaya nagawa raw niyang mag rebelde at sumama siya sa isang tulak ng turban at dun ay natutuhan niyang humitit ng hooka. Kaya madalas silang tumambay sa isang starbucks na pag aari ng isang indian national, kaya madalas nilang orderin doon ay yung caffe latte na may curry powder. Di nagtagal ay nalaman niyang buntis na pala siya at ang tatay ng dinadala niyang anak ay yung din tatay nung anak ni Nicole Smith. Nang malaman ito ng tatay niyang hari ay hindi na siya pinayagan uling makalabas ng palasyo kaya hindi na sila uli nagkita nung tulak ng turban. Minsan habang nagpapalipas siya sa balkonahe ng kanilang kaharian ay dumating si Tinkerbell at humingi siya ng tulong upang makatakas sa kanilang kaharian. Ang naisip naman ni Tinkerbell ay ibugaw siya kay Peter Pan, pero bigla ring nagbago ang isip ni Tinkerbell at sinabing ipapakilala na lang daw siya dun sa bumbay na nagpapautang ng 5-6, kaya lang araw daw kasi ng miyerkules ngayon kaya hindi makakalabas yung bumbay kasi coding siya. Dahil na rin sa kagustuhan na niyang makatakas sa palasyo ay pumayag na lang siyang maging talaba at ibinato siya dun sa tubig nung isang room service attendant ng palasyo, kaya hayun nakita siya sa tabing dagat. Nung matapos ang kuwento niya ay di mo na napuna na basa na pala yung hawak mong "duty" at yung 1,000 GB mong ipod ay nakalubog na sa tubig. Hindi ka naman makahingi ng saklolo sa mga tropa mo dahil pulang pula ang mata mo. Nung muli mong tignan yung talaba sa tabing dagat ay wala na ito at sinabi ni kuya Bobby Marley na no woman no cry, no woman no cry.

kung he enpatcho

Malapit na ang pasko at bagong taon ng mga tsektum kaya naglipana na naman ang mga tikoy sa kalye ng ongpin at binondo. Pati naman mga noypi ay nakikisawsaw din sa okasyong ito ganung wala naman tayong kinalaman sa nakaugalian na ng mga singkit. Isa na rin siguro ito sa dahilan kung bakit mahirap ang noypi, kasi parang wala tayong sariling kultura na maipagmamalaki, sinasabing maging makabayan tayo pero tignan mo yung nagsasalita naka levi's at rayban, paano mo papaniwalaan yan. Yung iba namang mga pamilya ay pinipinlit na mag-ingles yung mga anak nila para nga naman sosi ang dating pero hindi naman natin talaga salita iyan so why do we have to impose that kind of language to our kids. As you know its, its kinda ooops pasensiya na medyo nadala lang ako ng aking damdamin. Mabalik nga pala tayo sa pasko ng mga tsektum, minsan masarap din pag-aralan ang mga pamahiin nila kasi parang dito halos sumusunod ang mga negosyante lalo na yung tinatawag nilang "pusoy" ba yun err feng shui. Kailan nga lang ipinaliwanag sa tv ng isang geomancer kung bakit hirap na hirap ang buhay ng mga pinoy, kasi ba naman daw yung mismong perang papel natin ay hindi ayun sa batas ng feng shui at yung mismong building ng bangko sentral natin ay mali ang pagkakatayo kaya halos hindi makaahon ang ekonomiya natin, yun ay kung naniniwala kayo sa feng shui. Pero para sa akin kaya mahirap ang buhay ng pinoy ay dahil lahat tayo ay tamad at ang gusto nating mga noypi ay yun bang bulagang yaman o yung hindi pinagpapaguran kaya tignan mo tuwing hapon sa mga tayaan ng lotto ang daming nakapilang noypi. May nakita na ba kayo na intsik na pumipila jan sa tayaan ng lotto? di ba wala, siguro dun sa bandang ongpin at binondo marami, pero walang kuwentang magtayo ng lotto outlet sa ongpin at binondo kasi "liit lang kita dun".

Thursday, February 15, 2007

that fucking funny valentine

Mga tol ano balita sa valentine ninyo, naka score ba kayo sa mga jowawis nyo? Nakakatuwang panoorin ang ibat-ibang anyo ng valentine, sa isang bar resto na pinuntahan namin kagabi ay may mga magsiyota na halos ayaw maghiwalaw ang mga kamay habang nagtititigan at isang juice lang ang iniinom na may dalawang straw. Mayroon naman na isang pamilya silang nag celebrate ng valentine kasama ang kanilang mga tsikiting at mga olds nila. Ang isa naman ay halos late forties na ang hitsura tapos may kasamang chiching na kalahati ng edad niya, ano yun anak nya kaya iyon o aanakan. Paano naman kaya magcelebrate ng valentine yung mga tinatawag na kabetching. May nakakalusot kaya nito sa eksaktong araw ng mga puso o ang araw ng mga puso nila ay kung hindi atrese ay akinse? Pero teka bakit ba tayo nagdidiwang ng valentine, saan ba nagsimula ito at bakit masyadong inaabangan ito ng mga nagmamahalan kuno at mga gustong mahalin. Ang alam ko lang na natutuwa sa mga araw na ito ay yung mga negosyante kasi nagiging komersyal na ang araw na ito kaya nga yung mga walang pera ay nalulungkot kapag papalapit na ang araw na ito. Pero para sa akin ang alam ko lang ibig sabihin ng valentine ay araw ng linisan ng "tubo".

Poems by Pards (Ziv)

Mystic Sage

The peaks of knowledge at disposal
Selflessly sharing without proposal
Thy children unconditionally love
Unleashing potentials that they have


Unhindered Force

Thy obstacles tackled and faced
Persevered throughout the race
Unhindered by life’s extreme tests
Endured all, proving your best


Fearless Warrior

A soldier in the midst of the field of chaos
Unlike a stone that gathers no moss
Shouts out, undaunted, not taunted by foes
Charges endlessly, fearlessness that shows


Tuesday, February 13, 2007

roses are red

Bukas na ang araw ng mga suso err puso, kaya hindi magkandatuto sa gimik ang mga motel, resto, mga tindahan ng sokoleyt, pati nga yung mga tindahan ng cellphone may gimik din, yun bang binebenta nila na parehong model ng cellphone para daw sa mga magsing-irog buset. Kanina nga nadaan ako jan sa bilihan ng mga bulaklak, ang daming tao at ang daming nakadisplay na bulaklak. Kala mo tuloy ay may parada ng mga rosas jan kanina dahil hindi magkandatuto ang mga namimili at nagbebenta. Ang napuna ko lang agad ay parang napakamahal yata ng mga tinda nilang bulaklak ngayon, kasi madalas akong mapadaan jan sa lugar na yan at nakikita ko ang mga presyo ng bulaklak na binebenta nila kapag ordinaryong araw, pero kanina parang dalawa't kalahating doble ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak nila. Bababa pa naman sana ako at bibili ng isang dosenang bulaklak, kaso nakakahinayang naman ang presyo nila, kaya naisipan ko na lang na dumaan sa la loma at bumili na lang ako ng chicharong bulaklak, heto nga at nilalantakan ko ngayon kasabay ng malamig na serbesa...happy valentine na lang...lilipas din yan.

Saturday, February 10, 2007

welcome to the machine


coyote kinuha mo ba ang pangalan ni jharred floyd kina jean michel jarre at pink floyd. mukhang sargo na naman ang ilong nito, parang pamilyar yung face niya mukhang may kamukha siya.

Friday, February 09, 2007

food trip

Madalas ba kayong mamasyal sa mga mall, puwes kung mapupunta kayo sa mall lalo na sa kilalang mall na dalawa lang ang letra nila, enday hindi Robinson, walong letra yan buset. Neweis kung mapapasyal nga kayo sa mall na ito at inabutan na rin kayo ng gutom, huwag na huwag kayong kakain sa isang kainan jan sa ilalim ng food court na nagbebenta ng set meal o yung tinatawag na may ulam, kaunting gulay, kanin at juice. Madalas kasi ang ibibigay nila sa inyo ay kundi luma o yung hindi na sariwang isda kung minsan naman ay sira na yung ulam. Ayoko silang alisan ng hanap-buhay, kaya lang pagkain ang ibinebenta nila, sana naman ay paki-ayos naman nila ang mga tinda nila. Dalawang beses na kasi kami nabiktima nito, nung una jan sa food court nila sa QC kung saan ay nabigyan ako ng luma o panis na liempo. Madali namang malaman kapag ang isang pagkain ay hindi na ayos dahil sigurado lasang pagpag ito. Pinalitan naman nila agad yung ulam ko nung magreklamo ako kaso sira na ang gana kong kumain nung araw na iyon dahil ang unang sumayad sa panlasa ko ay yung panis na ulam nga. Matagal na rin namang nagyari yung insidenteng yung kaya kala ko ay hindi lang nila sinasadya ang ganoong sitwasyon. Kaso nung isang araw kumain na naman ako sa isang puwesto nila sa mall sa bandang norte naman ay nabigyan na naman ako at ang kasama ko ng lumang hito at pusit...anak ng p%t@ naman, ano ba kayo, ano ba ang kala nyo sa mga kustomer nyo mga baboy na kayang sikmurain ang mga panis na pagkain. Ang ganda pa naman ng litrato nung mga binebenta nyong set na ulam, kaya ang lakas makaingganyo kapag gutom na gutom ka na. Kaya lang naman ako nagtitiyaga sa mga kainan sa loob ng mall dahil ang akala ko ay malinis ang mga pagkain dito pero kung ganito ng ganito ang mangyayari sa akin ay malamang na bumalik na lang uli ako sa mga kainan sa turo turo, dahil dito kahit nakasawsaw yung hinlalaki nung nagtitinda kapag nagsasalin ng sabaw hindi naman panis ang ibinebenta nila, mga buwakang...enday akina nga yung micardis ko at valium buset.

Thursday, February 08, 2007

wally's blues

February 03, 2007 is another ordinary day for all of us, but to Wally Gonzalez fanatics this is another day to look forward to. So we prepared ourselves and proceeded to My Brothers Mustache or MBM to others to see and watch Wally Gonzales for the ‘nth time. Upon arriving thereat, we were able to watch the second set of Mon Espia, another veteran when it comes to the music scene. After his set ended and a few intermission, Mr. Gonzales climbed the stage accompanied by four seasoned musician, Dondie Ledesma-bass guitar, Chris-kahon drums, Ruger-vocalist and the keyboard guy. They started their first set with a bluesy rendition of Eric Claptons Layla followed by Jealous Again, a Black Flag original but I think their version is from the Black Crowes (correct me if I’m wrong). Next on their set list was another Clapton classic Cocaine, Rolling Stone’s Honky Tonk Woman and Lynyrd Skynyrd Sweet Home Alabama, then Mr. G laid the intro of Himig Natin, a well applaused song followed by Balong Malalim and an acoustic/electric version of Wally’s Blues. They ended their first set with a Jimi Hendrix version of Hey Joe and the Doors Love me Two Times. Their second set started with a roaring rendition of Roadhouse Blues and Break on Through. Then its pinoy rock again with Beep Beep, Sarap ng Buhay, Pinoy Blues, Project, Kahit Ano Mangyari, Rock and Roll sa Mundo. My jaw almost dropped when they started the intro of Robert Cray classic “Old Love”, with the help from Mon Espia doing the acoustic lead. They ended their set with a very nice rendition of Freebird.

what happened?

Ano na naman kaya ang nangyari sa blog ko bakit kaya hindi na naman ako makapag-post? Binabantayan na naman kaya ng mga FBI ang mga post namin kaya hindi na naman ako makakonek, mga hindoropot wala kayong makukuhang impormasyon dito kaya hayaan nyo nang malagay ang mga journals ko buset.

Thursday, February 01, 2007

via bluetooth

Ang bilis talaga ng panahon, kailan lang ay hindi tayo magkandatuto kung ano ang iihawing pulutan para ihanda sa pasko, heto't tapos na pala ang enero. Ang susunod namang abala ngayon ay ang mga gumagawa ng bulaklak at mga kumot, punda at unan. Kumot, punda at unan? oo naman ano ka ba ngayon ka lang ba ipinanganak, yang ang mabili kapag buwan ng Pebrero, kasi siguradong siksikan na naman ang mga motel niyan sa darating na araw ng mga suso err puso. Wala na siempreng panahon maglaba ang mga tauhan ng motel niyan kaya magdadagdag na lang sila ng mga stock nila ng kumot, punda at unan. Pakiusap ko lang sa mga magsisipunta sa motel sa mapulang araw na ito, kunan nyo naman ng cellphone yung mga bakbakan nyo sa loob at ipadala nyo sa akin, matagal na rin naman akong hindi nakakapanood ng ganyang klaseng drama.