Bukas na ang araw ng mga suso err puso, kaya hindi magkandatuto sa gimik ang mga motel, resto, mga tindahan ng sokoleyt, pati nga yung mga tindahan ng cellphone may gimik din, yun bang binebenta nila na parehong model ng cellphone para daw sa mga magsing-irog buset. Kanina nga nadaan ako jan sa bilihan ng mga bulaklak, ang daming tao at ang daming nakadisplay na bulaklak. Kala mo tuloy ay may parada ng mga rosas jan kanina dahil hindi magkandatuto ang mga namimili at nagbebenta. Ang napuna ko lang agad ay parang napakamahal yata ng mga tinda nilang bulaklak ngayon, kasi madalas akong mapadaan jan sa lugar na yan at nakikita ko ang mga presyo ng bulaklak na binebenta nila kapag ordinaryong araw, pero kanina parang dalawa't kalahating doble ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak nila. Bababa pa naman sana ako at bibili ng isang dosenang bulaklak, kaso nakakahinayang naman ang presyo nila, kaya naisipan ko na lang na dumaan sa la loma at bumili na lang ako ng chicharong bulaklak, heto nga at nilalantakan ko ngayon kasabay ng malamig na serbesa...happy valentine na lang...lilipas din yan.
Tuesday, February 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment