Saturday, February 17, 2007

kung he enpatcho

Malapit na ang pasko at bagong taon ng mga tsektum kaya naglipana na naman ang mga tikoy sa kalye ng ongpin at binondo. Pati naman mga noypi ay nakikisawsaw din sa okasyong ito ganung wala naman tayong kinalaman sa nakaugalian na ng mga singkit. Isa na rin siguro ito sa dahilan kung bakit mahirap ang noypi, kasi parang wala tayong sariling kultura na maipagmamalaki, sinasabing maging makabayan tayo pero tignan mo yung nagsasalita naka levi's at rayban, paano mo papaniwalaan yan. Yung iba namang mga pamilya ay pinipinlit na mag-ingles yung mga anak nila para nga naman sosi ang dating pero hindi naman natin talaga salita iyan so why do we have to impose that kind of language to our kids. As you know its, its kinda ooops pasensiya na medyo nadala lang ako ng aking damdamin. Mabalik nga pala tayo sa pasko ng mga tsektum, minsan masarap din pag-aralan ang mga pamahiin nila kasi parang dito halos sumusunod ang mga negosyante lalo na yung tinatawag nilang "pusoy" ba yun err feng shui. Kailan nga lang ipinaliwanag sa tv ng isang geomancer kung bakit hirap na hirap ang buhay ng mga pinoy, kasi ba naman daw yung mismong perang papel natin ay hindi ayun sa batas ng feng shui at yung mismong building ng bangko sentral natin ay mali ang pagkakatayo kaya halos hindi makaahon ang ekonomiya natin, yun ay kung naniniwala kayo sa feng shui. Pero para sa akin kaya mahirap ang buhay ng pinoy ay dahil lahat tayo ay tamad at ang gusto nating mga noypi ay yun bang bulagang yaman o yung hindi pinagpapaguran kaya tignan mo tuwing hapon sa mga tayaan ng lotto ang daming nakapilang noypi. May nakita na ba kayo na intsik na pumipila jan sa tayaan ng lotto? di ba wala, siguro dun sa bandang ongpin at binondo marami, pero walang kuwentang magtayo ng lotto outlet sa ongpin at binondo kasi "liit lang kita dun".

0 comments: