Mga tol ano balita sa valentine ninyo, naka score ba kayo sa mga jowawis nyo? Nakakatuwang panoorin ang ibat-ibang anyo ng valentine, sa isang bar resto na pinuntahan namin kagabi ay may mga magsiyota na halos ayaw maghiwalaw ang mga kamay habang nagtititigan at isang juice lang ang iniinom na may dalawang straw. Mayroon naman na isang pamilya silang nag celebrate ng valentine kasama ang kanilang mga tsikiting at mga olds nila. Ang isa naman ay halos late forties na ang hitsura tapos may kasamang chiching na kalahati ng edad niya, ano yun anak nya kaya iyon o aanakan. Paano naman kaya magcelebrate ng valentine yung mga tinatawag na kabetching. May nakakalusot kaya nito sa eksaktong araw ng mga puso o ang araw ng mga puso nila ay kung hindi atrese ay akinse? Pero teka bakit ba tayo nagdidiwang ng valentine, saan ba nagsimula ito at bakit masyadong inaabangan ito ng mga nagmamahalan kuno at mga gustong mahalin. Ang alam ko lang na natutuwa sa mga araw na ito ay yung mga negosyante kasi nagiging komersyal na ang araw na ito kaya nga yung mga walang pera ay nalulungkot kapag papalapit na ang araw na ito. Pero para sa akin ang alam ko lang ibig sabihin ng valentine ay araw ng linisan ng "tubo".
Thursday, February 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment