Madalas ba kayong mamasyal sa mga mall, puwes kung mapupunta kayo sa mall lalo na sa kilalang mall na dalawa lang ang letra nila, enday hindi Robinson, walong letra yan buset. Neweis kung mapapasyal nga kayo sa mall na ito at inabutan na rin kayo ng gutom, huwag na huwag kayong kakain sa isang kainan jan sa ilalim ng food court na nagbebenta ng set meal o yung tinatawag na may ulam, kaunting gulay, kanin at juice. Madalas kasi ang ibibigay nila sa inyo ay kundi luma o yung hindi na sariwang isda kung minsan naman ay sira na yung ulam. Ayoko silang alisan ng hanap-buhay, kaya lang pagkain ang ibinebenta nila, sana naman ay paki-ayos naman nila ang mga tinda nila. Dalawang beses na kasi kami nabiktima nito, nung una jan sa food court nila sa QC kung saan ay nabigyan ako ng luma o panis na liempo. Madali namang malaman kapag ang isang pagkain ay hindi na ayos dahil sigurado lasang pagpag ito. Pinalitan naman nila agad yung ulam ko nung magreklamo ako kaso sira na ang gana kong kumain nung araw na iyon dahil ang unang sumayad sa panlasa ko ay yung panis na ulam nga. Matagal na rin namang nagyari yung insidenteng yung kaya kala ko ay hindi lang nila sinasadya ang ganoong sitwasyon. Kaso nung isang araw kumain na naman ako sa isang puwesto nila sa mall sa bandang norte naman ay nabigyan na naman ako at ang kasama ko ng lumang hito at pusit...anak ng p%t@ naman, ano ba kayo, ano ba ang kala nyo sa mga kustomer nyo mga baboy na kayang sikmurain ang mga panis na pagkain. Ang ganda pa naman ng litrato nung mga binebenta nyong set na ulam, kaya ang lakas makaingganyo kapag gutom na gutom ka na. Kaya lang naman ako nagtitiyaga sa mga kainan sa loob ng mall dahil ang akala ko ay malinis ang mga pagkain dito pero kung ganito ng ganito ang mangyayari sa akin ay malamang na bumalik na lang uli ako sa mga kainan sa turo turo, dahil dito kahit nakasawsaw yung hinlalaki nung nagtitinda kapag nagsasalin ng sabaw hindi naman panis ang ibinebenta nila, mga buwakang...enday akina nga yung micardis ko at valium buset.
Friday, February 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment