Sunday, February 25, 2007

Jeepney Rock

Naranasan nyo na ba ang ma-traffic sa kalsada dahil na rin sa kagagawan lang ng isang jeepney driver. Sabagay madalas naman mangyari ito dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng mga driver natin dito sa pinas. Obserbahan nyo lang kapag minsang nagmamaneho kayo sa kalsada at kapag may mabagal na daloy ng sasakyan ang siguradong dahilan nito ay ang mga nagmamaneho ng mga dyip na binabalagbag ang kanilang mga sasakyan at walang paki-alam sa mga nakasunod na sasakyan sa kanila. Ang ipinagtataka ko dito sa mga naglalabas ng dyip ay kung bakit nila hinaharang ang mga gustong lumusot na sasakyan nila ganung mga pribadong sasakyan naman ito at hindi sila maaagawan ng pasahero. Nauunawaan ko sila kung bakit minsan ay binabarahan nila ang mga gustong lumusot lalo na't kung isang pampasaherong sasakyan din ito dahil baka nga naman sila maunahan ng kasunod nilang pampasaherong sasakyan sa mga darating na pasahero. Pero paki-usap naman, mga pribadong sasakyan ang dala namin at gusto rin naming makarating sa papasukan naming opisina. Hindi ba nila nauunawaan na kapag nakalampas na kami sa lugar ng tinatahak nila ay malaking kabawasan na rin kami sa daloy ng trapiko. Simpleng lohika lang naman yun kesa lahat tayong nagmamaneho at magkumpulan sa iisang lugar dahil na rin sa may isang pampasaherong dyip na bumalagbag sa kanto at naghihintay ng pasahero na naliligo pa lang sa bahay.

0 comments: