Wow pare summer na naman, masarap na namang magliwaliw sa tabing dagat habang nakadisplay ang mga abs natin at nakasuot tayo ng pinakalatest ng speedo at crocs. Tapos may hawak kang malamig na beer in can at kaunting "duty" habang nakasuot sa tenga mo yung bose earplugs at nakikinig ka ng tugtog ni kuya Bobby Marley sa 1,000 GB mong ipod na gawa ng mga muslim sa Germany. Tapos habang sinisipa sipa mo yung patay na talaba sa tabing dagat ay bigla itong nagsalita ay sinabing isa siyang prinsesa na ikinulong sa shell ng talaba. Bigla kang napahinto at hininaan ang volume ng 1,000 GB mong ipod at pinakinggan ang kuwento ng prinsesa sa nakulong sa shell ng talaba. Sinabi niyang isa siyang wild child nung araw dahil na rin sa flower people siya at wala siyang inisip nung araw kundi ang mag party kasama ang mga mayayamang anak ng mga sultan ng mga oil rich country. Hindi daw siya iniintindi ng tatay niyang hari kasi abala daw ito sa pakikipag sex dun sa isa nilang slave na south american na long legged. Tapos yun namang nanay niyang reyna ay may kalaguyo din daw na gardener nila at mahilig sa threesome kasama ang personal niyang manikurista. May isa siyang kapatid na lalaki na papalit sa tatay niyang hari kapag nadedo na ito pero hindi rin siya binibigyan ng pansin kasi lagi lang daw nakakulong ito sa kuwarto at kasama ang ibang mga prinsepe ng ibang kaharian. Dahil dito kaya nagawa raw niyang mag rebelde at sumama siya sa isang tulak ng turban at dun ay natutuhan niyang humitit ng hooka. Kaya madalas silang tumambay sa isang starbucks na pag aari ng isang indian national, kaya madalas nilang orderin doon ay yung caffe latte na may curry powder. Di nagtagal ay nalaman niyang buntis na pala siya at ang tatay ng dinadala niyang anak ay yung din tatay nung anak ni Nicole Smith. Nang malaman ito ng tatay niyang hari ay hindi na siya pinayagan uling makalabas ng palasyo kaya hindi na sila uli nagkita nung tulak ng turban. Minsan habang nagpapalipas siya sa balkonahe ng kanilang kaharian ay dumating si Tinkerbell at humingi siya ng tulong upang makatakas sa kanilang kaharian. Ang naisip naman ni Tinkerbell ay ibugaw siya kay Peter Pan, pero bigla ring nagbago ang isip ni Tinkerbell at sinabing ipapakilala na lang daw siya dun sa bumbay na nagpapautang ng 5-6, kaya lang araw daw kasi ng miyerkules ngayon kaya hindi makakalabas yung bumbay kasi coding siya. Dahil na rin sa kagustuhan na niyang makatakas sa palasyo ay pumayag na lang siyang maging talaba at ibinato siya dun sa tubig nung isang room service attendant ng palasyo, kaya hayun nakita siya sa tabing dagat. Nung matapos ang kuwento niya ay di mo na napuna na basa na pala yung hawak mong "duty" at yung 1,000 GB mong ipod ay nakalubog na sa tubig. Hindi ka naman makahingi ng saklolo sa mga tropa mo dahil pulang pula ang mata mo. Nung muli mong tignan yung talaba sa tabing dagat ay wala na ito at sinabi ni kuya Bobby Marley na no woman no cry, no woman no cry.
Saturday, February 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment