Mga tol may nadiskubre na naman kaming bagong puwesto para sa mga tomadachi group. Malapit lang ito jan lang sa mga Gen. T De Leon ang pangalan niya ay ane-to hindi anito kasi baka madulas ka kung saan ka galing at masabi mo sa anito, delikado yun. Masarap ang mga tanpuluts nila todits, ang sinubok namin ay yung inihaw na panga ng tuna, steamed pla-pla, adobong kambing, crispy tenga at para maalis ang suya ay kumuha rin kami ng tokwa. Yung panga ng tuna nila ay da best at hindi talo dahil talaga namang ang laki, sabi nga nung isa kong kasama parang pinagdikit daw na boomerang sa laki. Yun namang pla-pla nila ay sariwa at maganda silang magluto nito, hindi tuyo at tamang tama lang ang pagkaka steam. Bukod pa sa masarap na nga ang luto ng mga tanpulutz nila mababait at magaganda pa ang mga sebedora kasi nahawa rin siguro sila dun sa anak ng may-ari na bukod sa mabait na maganda pa at dalaga pa ho (with inbestigador accent). Ang maganda pa dito ay puro kubo ang mga pupuwestuhan ninyo kaya may nature trip ka pang kaunti at maluwang ang parking space nila. Kaya lang nagkaroon don ng isang insidente, kasi nung medyo gabi na ay may lumapit sa aming batang lalake, sa pagtatanong namin ay sampung taon na pala yung bata. Nanghihingi siya sa amin ng piso para daw pambili ng pagkain. Piso pambili ng pagkain? ano ang mabibili mo sa buwakang ... piso ngayon. Kaya napagkasunduan namin na pakainin na lang yung bata dun sa kubo namin. Halatang gutom na gutom yung bata kasi inoorder namin siya ng toppings hindi na niya nahintay at humingi na lang ng kanin at inulam na lang yung tanpulutz naming crispy tenga at tokwa, tapos binigyan namin siya ng soup at softdrinks. Hindi ko maalis yung awa dun sa bata, kasi alas diyes na ng gabi ay nasa kalsada pa siya at naghahanap pa rin ng makakain, masyadong delikado ang panahon ngayon para sa ganyang mga edad. Ang kuwento niya ay patay na raw ang tatay niya at ang nanay naman daw niya ay may sakit. Parang scripted yung kuwento niya pero totoo man o hindi iyon ang nakakaawa ay yung pamamalimos niya sa ganung oras. Dapat kasi nasa bahay na siya at nag eenjoy sa panonood ng telebisyon, pero heto siya at nanghihingi pa ng limos, para tuloy biglang nagdugo ang mga puso namin. Nasabi tuloy namin sa sarili namin na mas mapalad pa rin tayo kesa sa iba, pero sana wala nang mahirap o mayaman kasi pare pareho lang naman tayong tao, bakit hindi pa tayo bigyan lahat ng magandang buhay habang nasa mundo tayo.
Wednesday, February 21, 2007
ane-to
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment