Nakaka gimik pa ba kayo kapag weekends? Siguro napupuna nyo na namamayagpag na naman ang mga acoustic sets ng mga musikero, mukhang nagsawa na naman ang mga gimikero sa mga nagngangawngawang gitara kaya mas pinipili nila uli yung mga bar na may mga acoustic guitarist. Kasi nga naman bukod sa nakakapag-usap kayo ng maayos ng mga ka date nyo o kaya naman ng mga tropa nyo ay naeejoy pa rin ninyo yung tinutugtog ng mga gitarista. Kaya nga nung minsan magkasama kami ni utol na nanonood ng acoustic set ni wally gonzales sa MBM ay biglang lumipad ang isip ko. Kasi pumasok sa isip kong magbuo rin ng isang acoustic duo ala MYMP. Naalala ko kasi nung araw sa bahay ng mga ermats namin ay nagjajam kami lagi ni utol sa kuwarto, dahil mahilig itong kumanta samantalang ako naman at may kaunting nalalaman sa gitara. Tanda ko nga noon, madalas naming tugtugin yung mga beatles, bob dylan, cordero marco pimentel na piyesa, banyuhay, labuyo at mga acoustic version ng mga rolling stones. Minsan nga ay nagsasabay pa kami pagpasok na nung koro ng stone na "love me hold me love me hold me and i'm free to do what i want achuchu". Kaya't binanggit ko nga sa utol ko yung pumasok na idea habang nasa kalagitnaan kami ng panunuod nung wally gonzales and friends sa MBM. Ok naman sa utol ko yung idea ang hindi lang naging ok ay yung gusto kong itawag sa itatayo naming grupo, kasi ang gusto kong pangalan ng grupo namin ay JoyCards Duet dahil na rin Ricardo Jr siya kaya puedeng ang palayaw niya ay Carding or Cards in short, ayun dahil lang sa pagpili ng pangalan ng grupo namin ay hindi na agad kami nagkasundo na utol ko, buset.
Saturday, February 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment