Napupuna nyo ba yung mga samahan ng operator at driver ng mga tricycle, bakit kaya lagi na lang TODA ang ginagamit nila. Kaya kapag napunta ka sa isang lugar katulad na lang sa Bulacan, sigurado ang makikita mong mga nakatatak sa tricycle nila ay MEYTODA kung nasa meycauayan ka, MARTODA kung nasa marilao ka naman. May nakita nga ako niyan sa Ilocos ang nakalagay naman ay CANTODA as in Candon Tricycle Operators and Drivers Association. Ang ipinagtataka ko naman ay yung sa boundery ng Tarlac at Andalucia bakit kaya ayaw nilang itatak sa mga tricycle nila yung samahan nila ganung maganda naman lalabas dahil kapag pinagsama mo yung Tarlac/Andalucia Tricycle Operators and Drivers Association and magiging abbrevation nila ay TARANTODA.
Sunday, February 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment