Saturday, September 29, 2007

food tripping at flavours of china and shakeys







Thursday, September 27, 2007

namu rin

Tang na-hindi intsik na salita yan, isa form of expression yan kapag galit ang isang tao. Ito kasi ang madalas kong marinig sa paligid ng pilipinas kapag rin lang napapag usapan ang estado ng ating gobyerno. Para sa akin naman ay bahala na sila jan, kasi wala naman tayong magagawa, lalo na't mga pagpag eaters lang tayo. Ika nga ni Bos Miyaok mga langgam lang naman tayo. Ipaubaya na natin sa kanilang mga marurunong at mga kagalang galang na tao ng kongreso at senado ang pagpapatakbo ng buhay ng pilipino. Sigurado naman ako na maganda rin ang pakay nila sa ating lahat para mabigyan tayo ng magandang kinabukasan, maging tahimik at payapa ang ating kapaligiran, mabigyan ng maganda at marangal na trabaho ang mga noypi, magkaroon ng pagkain sa mesa ang sambayanang noypi, magkaroon ng maayos na matutulugan at matulog ng mahimbing na walang inaalalang bagong iskandalo na kagagawan ng mga politiko...TANG NA.

if we think very hard, maybe we can stop this rain...

Ang lakas ng ulan kahapon, ewan ko lang kung dun sa lugar na kinalalagyan ninyo ay malakas din ang ulan. Inabot kasi kami, yes kami, may kasama kasi akong buraot, inabutan kami sa loob ng chowking sa tikling sakop na yata ito ng taytay. Paglagpas lang halos ito ng Ortigas Extension bago umakyat papuntang Antipolo. Sa sobrang lakas ng ulan, kala ko tuloy ito na yung simula nung sinasabi ni Noah na sunod sunod na ulan para magsisi na ang mga tao. Hindi nyo kilala si Noah? siya yung kauna unahang shipping magnate na nabanggit sa Biblia. Para sa akin ok lang ang ganyang kalakas na ulan, kaya lang sana dun sa lugar namin bumuhos din ng ganun kalakas, kasi hanggang ngayon ay wala pa rin kaming tubig, dahil maraming mga buwakang, pasaway na neighbor ko ang ayaw pa ring magbayad ng monthly dues nila, kaya pinutulan at nasira na yung tangke ng tubig namin na nagbibigay ng supply sa aming lahat. Naalala ko na naman tuloy yung sinasabi ni lola Koring (as in Socorro not Korina ha) noong araw na makakapamili ka ng gusto mong lugar na titirhan pero hindi ka makakapamili kung sino ang gusto mong maging kapitbahay. Sana sa susunod na ulan ay masamahan sana ng malalakas at sunod sunod na kulog at kidlat, para tamaan na yung mga asshole kong kapitbahay...busettttt.

Sunday, September 23, 2007

BIOS

Mahirap din pala yung magtiwala sa mga gumagawa ng computer kahit na sabihin pang isa itong empleyado mismo ng mga tindahan ng computer. Nangyari kasi sa akin ito isang taon na ang nakakaraan. Nagpa assemble kasi ako ng computer sa isang kilalang tindahan ng computer at pinili ko na ang pinaka top of the line na piyesa para isang gastusan na lang. Sa madaling sabi ay natapos naman ang nasabing computer at ito ay inuwi ko agad sa bahay para masubok. Matapos ang isang taon at limang buwan ay biglang nagluko ang nasabing computer, madalas mag restart at namamatay na kusa. Para sa akin ay simpleng BIOS adjustment lang ito, kaya bago ko muna tawagan si manong Bill ng microsoft ay sinubok ko munang pasadahan ng simpleng troubleshooting. Ngunit pagkatapos ng dalawamput isang oras na paghahanap kung paano ko mapapalabas yung BIOS menu ay inamin ko na sa sarili kong hindi ko kaya itong ayusin. Kinalas ko ang nasabing computer habang tumutulo ang aking luha. Ngunit nung bubuksan ko na ay napuna kong naka seal pa ang likuran nito at nakalagay pa roon ang warranty. Bigla kong pinunasan ang aking luha at dali dali akong nagpunta sa tindahan ng computer na nag assemble nito. Pagdating ko doon ay nagpanggap akong kawawa para mabigyan agad ng lunas ang nasabing sirang computer. Nang buksan na nung bagong gumagawa (wala na kasi doon yung nag assemble, dahil inireklamo din daw ng isang customer) ang computer ko ay agad niyang sinilip ang video card kung sira na, pero humihinga pa ito kaya sigurado akong hindi doon ang problema. Sumunod naman niyang tinignan ang memory at hinipan ng kaunti, ayos din naman. Nung sinilip na niya yung built in fan sa motherboard ay doon na kami nagduda. Kasi ba naman ay gumagalaw yung fan, ang dahilan hindi pala nahigpitan. Isipin mo isang taon ko palang ginagamit ang nasabing computer ng hindi ayos ang pagkakakabit ng fan niya. Sampalataya pa naman ako sa kanila dahil nga mga empleyado na sila ng nasabing gawaan ng computer. Nasabi ko na lang tuloy dun sa bagong gumagawa na baka pagod na siguro yung dating nag assemble ng computer ko, kaya hindi niya napuna na maluwang yung fan. Matapos naming subukin ng ilang oras ay nanumbalik na rin sa dati ang normal na andar ng computer. Nung ibabalik na ang takip ng computer ay napuna rin nung gumagawa na baligtad din yung external fan, ano ba yan. Dinaan ko na lang sa ngiti ang nadiskubre naming mga palpak na gawa nung dati nilang empleyado, wala na rin naman kasi akong magagawa, ang maganda lang ay nadiskubre ko tuloy kung paano buksan yung BIOS menu...dun lang pala sa start tapos click mo lang daw yung turn off.

Saturday, September 22, 2007

It's my life


Maganda rin pala yung dumarami ang mga mall kasi nagkakaroon ka ng pagkakataong pumili kung saan mo gustong pumunta. Noon kasi kapag rin lang gusto mong mag window shopping sa mall, ang unang papasok sa iyo ay ang SM, kaya kung malapit ka lang sa Kalookan-Quezon City sigurado ang bagsak mo ay sa SM north edsa. Pero mula nung maitayo ang Trinoma sa kanto ng edsa at north avenue, nagkaroon na tuloy ng pagpipilian ang mga namamasyal. Marami rin ang nawalang parokyano ng SM mula nang maitayo ang Trinoma. Sabagay bale wala naman sa mga may ari ng mall kung saan gustong pumunta ng tao, karapatan nila yun eh. Kaya tuloy ako ay madalas mapunta ngayon sa Trinoma, kasi bukod sa bago sa paningin ang mga shop doon, marami ka pang mapapagpilian na bagong kainan. Nung isang araw nga ay sinubok ko naman yung Cavana doon sa food court nila. Mura lang ang mga tinda nila at marami rin ang bigayan. Ang sinubok ko doon ay yung tender beef na pinutakte ng paminta tapos may kasamang itlog at side dish na mais at toge. The best, kaya lang yan pa naman ang mga bawal sa akin, dahil mayaman sa purine. Pero sabi nga ng iba, ang mahalaga ma enjoy mo lahat, kesa halos ubusin mo ang oras mo sa kaiiwas sa mga bawal na pagkain at halos magpakamatay ka sa pagod ka eehersisyo, pero pag -uwi mo naman ay tinitipid mo ang sarili para sa kaunting garnacha sa buhay. Para sa akin dun na ako sa ikasasaya ng buhay ko, kasi yan naman ang pinaka mainam na gamot para humaba ang buhay natin. Yung paghaba ng etits? ah ibang istorya na yun.

Friday, September 21, 2007

baket koya?

Marami ang nagtatanong kung bakit matumal daw ang pasok ng mga journals ko, gayung ang dami naman daw puedeng ilagay kahit puro kataranta....Ang sabi ko kasi sa mga mahilig magbasa ng mga kabanata ng buhay ko ay:
1. nasira yung mamahalin kong desktop na inasembol lang namin at nilagyan ng pirated na sims at paris hilton virtual sex software. (may version din si britney)
2. ilang linggo na kaming walang tubig, kaya kesa gumawa ako ng journal ay mas inuna ko munang mag-igib.
3. ang dami kong intel assignment.
4. nagbirthday yung dalawa kong kumpareng manginginom sa kankaloo.
5. nag break kami nung ka MU kong tomboy.
6. inabangan ko sa quiapo yung bagong version na halo 3.
7. inireklamo ko yung ipod ko kasi hindi makasagap ng UFO.
8. bumalik na naman yung pangangamatis nung tuli ko, pang apat na beses na ito, bussett.
9. inabangan ko sa tv yung replay nung john and marsha (putcha pay per view pala yun)
10. nahalukay ko na naman yung mga luma at magkakadikit na pahina ng FHM waaaaaaa.

steak na naman

May napuntahan na naman akong kainan ng steak jan sa isang mall sa araneta avs. Maganda ang nasabing kainan at feeling sosyal ka pagpasok mo pa lang sa nasabing kainan. Dahil na rin sa steak ang ipinagmamalaki nila ay siempre pa yun na rin ang inorder namin, yes namin, may kasama kasi akong tatlong buraot. Sinubok agad namin yung rib eye steak, tbone steak at para hindi kami maumay ay kumuha na rin kami ng isang banyerang chopsuey at grilled lumot (pusit). Ang gimik nila ay iseserve sa iyo ang steak na nakalagay sa sizzling plate at may kasamang side dish na kaunting carrots, mais, green peas at sanrekwang gravy (Oh my gout). Yung kanin naman ay nakahiwalay, parang fine dining ang dating mo tuloy. Hindi ko malaman kung dahil na rin siguro sa gutom, kasi alas dos na rin naman ng hapon nung kumain kami o dahil na rin siguro sa katakawan ko sa steak kaya nasarapan ako dun sa chibog nila. Tinanong ko yung isang buraot na kasama ko, ok din naman daw yung lasa nung rib eye steak na inorder niya, kaya sabi ko na lang sa sarili ko, masarap nga. Maganda rin yung grilled pusit nila, malaki at masarap ang luto. May inilalagay silang parang oyster sauce na barbeque sauce na worstertuchahcuchachichachalichucha soz yata yun kaya masarap. Dun naman sa chopsuey marami ang bigayan pero hindi nila kayang talunin yung kinakainan kong chopsuey jan sa may amoranto na laging puno ng mga chibugers.

Tuesday, September 18, 2007

pay first before you enter

Nadadaan ba kayo sa NLEX? kasi kung napapadaan kayo ngayon jan sa pinakamagandang expressway natin, siguradong manghihinayang kayo sa binayad ninyong toll fee. Lagi kasing traffic ngayon diyan, ang dahilan, may ginagawa raw na mga road repair. Ok lang sana yung mga sinasabi nilang road repair dahil na rin proteksyon ng mga motorista iyan, para maiwasan ang aksidente. Ang hindi ok jan ay yung bagal ng mga gumagawa para matapos agad ang kalsada para makatakbo ng maayos ang mga motorista. Hindi ba't madalas silang magpamigay ng leaflets sa mga motorista at ipinaliliwanag nila na kaya mahal ang bayad mo dito ay dahil mabilis kang makakarating sa pupuntahan mo kahit hindi mo sagarin ang tulin ng takbo ng sasakyan mo, dahil na rin nga sa wala ritong traffic. Sana naman kung hindi ninyo matatapos ng mabilis ang mga ginagawang kalsada, pakibawasan naman sana ng kaunti yung sinisingil ninyong toll fee sa mga motorista. Kung ayaw nyo namang mabawasan ng kita, pakitapos naman agad yung mga kalsadang ginagawa para manumbalik na uli yung ganda ng takbuhan diyan sa pinakamagandang expressway sa ngayon. Paulit ulit na kasi ang alibi ko sa aking boss kung bakit lagi akong tanghali pumasok. Kayo rin kapag nawalan ako ng trabaho, sa inyo ako mamamasukan bilang....piyon.

Sunday, September 16, 2007

tried and tested formula

Mahirap pala talagang mawalan ng tubig, kaya pala may kasabihan na mawalan ka na ng koryente huwag lang tubig. Ganito kasi ang nangyari sa iskinita namin, bumigay na yung tangke ng tubig na nagsusuply sa lahat ng nakatira dahil na rin marami ang ayaw magbayad ng monthly dues nila kaya hindi naipagawa yung tangke. Ngayon tuloy imbes na kaunting pera lang para sa monthly dues ang ginagasta namin ay nadagdagan pa ang mga gastos namin. Trenta pesos na kasi ang isang drum ng tubig kapag bumili ka sa mga nagdedeliver nito. Ang mabigat pa dito, hinid porke may pambayad ka ay madali kang makakabili ng tubig, halos makikiusap ka pa sa mga lintek na nagdedeliver ng tubig, siempre paimportante effect ang mga hindoropot. Nakakatuwa lang kapag narinig mo nang dumating na ang truck na nagdedeliver ng tubig, kasi ibat-ibang style ang ginagawa ng mga kapit bahay ko para lang mauna silang bigyan ng tubig nung nagdedeliver. Mayroon jang nagpapakilalang pulis para siya ang unang bigyan ng tubig, yung isa naman ay binayaran agad yung nagdedeliver ng tubig, mayroon namang isa na inaalok pa kunyari ng meryenda yung mga nagdadala ng tubig. Yung isa ngang seksing kapit-bahay ko ay binigyan ng erotic dance yung nagdedeliver ng tubig pero no effect pa rin sila sa mga pa importanteng taga dala ng tubig. Ako isa lang ang alam kong style sa mga hindoropot na mga yan kapag dumarating sa iskinita namin. Pagdating nila doon para magdala ng tubig ay lalabas ako at ipapakita kong may ibinabalot akong high grade na dahon ng atsuwete, maya maya lang yung nagdedeliver pati na yung driver at isang pahinante nila ay nakatayo na sa harap ng gate ko at inuuna na nilang lagyan yung tangke ng tubig ko. Solb.

Saturday, September 15, 2007

let me in let me out



Napadaan ako dun sa isang hilera ng kainan jan sa qc at napuna kong may bagong bukas na kainan doon (hindi ko lang malaman kung bago ito o medyo matagal na rin, kasi matagal tagal na rin akong hindi nagagawi sa lugar na iyan). Kaya nung makita ko yung nasabing kainan ay agad ko itong sinubok kahit na alam kong bawal na sa akin ang pagkain (steak) na yun. Pagparada pa lang namin, yes namin, kasi may kasama akong buraot, dun sa nasabing kainan ay mapupuna mo na agad na malakas ang dating nila sa tao. Isipin mo halos ala-una na ng hapon ay puno pa rin ang nasabing kainan, kaya binigyan pa kami ng guwardiya ng isang maliit na karton na may nakatatak na letra, kayat agad namin itong kinain, huli na ng malaman namin na yung binigay na karton ng guwardiya ay palatandaan pala kung kailan kami dapat pumasok sa kainan dahil na rin nga puno pa ang mga mesa, in short parang reservation letter pala iyon, akala kasi namin yung binigay ng guwardiya na karton ay puedeng kainin dahil talaga namang tomguts na kami nung mga oras na iyon. Kaya nung tinawag na ng guwardiya ang letrang naka assign sa amin ay tinaas na lang namin ang aming mga kamay habang dumidighay kami. Buti naman at natandaan kami nung Jaguar. Ang inorder namin dito ay siempre pa ang famous nilang steak na may kasamang kanin at mashed potato, pero puedeng isa lang ang piliin mong kasama ng steak mo, kanin o mashed potato lang. Kumuha rin kami ng sisig na may kasamang itlog, puede ring yung sisig mo ay mayonaise ang kasama at dalawang until death na ice tea na may yelo. Pagdating nung order naming steak ay napuna ko agad kung bakit maraming kumakain sa nasabing lugar, kasi ba naman halos kasing laki ng pinggan yung steak at nung hiwain ko na ay napuna kong malambot ito. Masarap at medyo juicy ang steak nila kaya kahit bawal na sa akin ang mga purine rich na chibog ay binira ko na rin ito. Nang dumating yung order naming sisig ay napuna ko na talo ito, kakaunti ang bigay nila at para sa panlasa ko, hindi siya masarap. Pero ang suma total ay panalo ang lugar na ito, malinis, masarap ang pagkain, mabait ang guwardiya at higit sa lahat, mahinang kumuwenta ang kahera nila....panalo.

SLASHENHUTEN…ANAKNGPUTEN

It was on a Saturday, 8th of September in the year of 2007 that I am surfing my life away when suddenly my internet connection went puff…I tried in vain, said my prayers to heaven and gave my sympathy to hell and even after my repeated please, it did not restore my internet connection. I called the famous hotline for troubled net addicts, but was given the usual troubleshooting process (pinging, disable, enable, release, renew, lock and load, put it in your mouth and pull the trigger). Now there’s pandemonium in the house, I even showed my true self by blaming everybody in the house who uses my toy and everything that was installed on the hard drive. Days had passed and the 24 hour deadline monitoring given to me by those robotic call center employees had resulted to nay. I started to suspect that my new anti virus (2008 series mind you) is the one who is interfering with my internet connection, but when I tried connecting my old and rusty laptop on al fresco lugawan with free wifi, hooha, I was able to connect. Now I’m preparing to appear on a national TV to make an apology, no not because I called Garci on my cellphone but because I blamed everybody in the house and every newly installed files on my hard drive…it was a lapse in judgment, PASENSIYA NA PO (accompanied by a poker face of mine complete with nunal sa tubig). Almost a week had passed and still no internet connection. Our house is now like on a mourning period, we do not talk to each other and the TV is always on again. Another 24 hours of monitoring if the connection will return to normal but again nothing happened. With the internet connection still out, I was able to shine my old brown shoe and baby I’m in love with you, master the pentatonic and blues scale and even cooked chicharon bulaklak, pangterno to my nilalaklak na ice cold beer. Now I’m beginning to find my old life again, without looking at Perez Hilton or that big tummy dancing lady on MTV. I had the time to clean my face again with my trusted supply of eskinol and cotton and applied Lyna whitening cream. Yes there is life after death to an internet connection and a lot more things to do, but hey this is the IM generation, wherein I can make panggap of who I want to be, so please restore as soon as possible my internet connection, no pinging, disabling, enabling, re-starting… just plain connection, will you be SMART enough to give my wish ? Anakkayongputen.

B*llsh*t

An*k ng p**@, b*w*k*ng i*@, p*n**t@, mg@ d*m*ny* k@y*, m@k@rm@ s@n@ k@y*, h*n@y*p@k k@y*, ito ang laging pumapasok sa utak ko habang hinihintay kong magkaroon ng internet connection.

Saturday, September 08, 2007

Calama-ring

How to cook Doryteuthis plei, Illex Oxigonius, Rossia Tenera or in short Pusit:

Ingridents, Ingredints, Ingredience, Ingridbeckham...buset basta ito yung mga sahog:
1. 12 bottles of ice cold beer (SMB or Lights)
2. mantikang china
3. Bawang china
4. sibuyas china
5. siling berde na galing sa china
6. celery na galing sa china
7. sukang china
8. asin na galing sa china
9. asukal na gawa ng mga intsik sa pinas
10. pamintang china
11. pusit (siempre buset)

Paraan ng pagluluto:
Linisin ang pusit at ilagay sa isang lumang palanggana, magbukas ng malamig na serbesa, ilagay ang pusit, bawang, sibuyas, suka, paminta, asin sa kawali...pakuluan ng ilang minuto para lumambot, habang hinihintay lumambot ang pusit, mabukas uli ng isang malamig na serbesa. Kapag mabango na ang amoy ng suka, ang ibig sabihin nito ay malapit nang maluto ang suka. Magbukas uli ng malamig na serbesa (pangatalo ko na ito ha). Ibuhos muna ang sabaw ng pusit sa lumang palanggana at ibalik sa kalan ang kawali na may lamang pusit. Magbukas uli ng malamig na serbesa ay inumin agad para hindi mawala ang lamig (pang apat ko na ba to). Lagyan ng kaunting mantika yung kawali at igisa ng kaunti ang pusit. Ilabas muna yung apat na basyo ng serbesa sa garahe para hindi makita, tapos ay magbukas uli ng isa pang malamig na serbesa (pang lima ko yan). Ibalik sa kawali ang sabaw ng pusit at lagyan ng kaunting asukal, tikmam kung ayos na ang timpla, uminom uli ng serbesa. Ilaglag ang siling china at celery sa kawali at pakuluin ng kaunti. Magbukas uli ng pang anim na malamig na serbesa. Kumuha ng kaunting pusit at ilagay sa tasa, umupo sa terrace at makinig ng Pink Floyd sa CD. Magbalot ng chong que at sindihan yung half. Tikman ang pusit na nasa tasa kung malambot na ay ayos na sa timpla. Isuot ang rayban para hindi sumakit ang mata sa init ng katanghaliang araw. Magbukas uli ng serbesa (pang anim ko na yata ito ha). Sindihan uli yung kalahating joint. Sumandal ng mabuti sa upuan at damdamin ang iyak nung gitara ni David Gilmore dun sa solo lead niya sa Another Brick in the Wall. Walisin ang nabasag na bote ng beer at tasa. Walisin na rin yung pusit na natapon sa tasa dahil baka langgamin. Magbukas ng isa pa uling serbesa (pang pito ko na ito) at alisin na sa freezer yung natitirang lima dahil baka sumabog sa sobrang lamig. Umupo uli at lakasan ang CD player dahil "Mother" na ang tugtog sa CD player. Pumikit dahil maganda rin ang lead nung gitara jan ni David Gilmore. Oooops ano yun amoy sunog, teka napatay ko ba kanina yung kalan. Parang amoy pusit na sunog san kaya nanggagaling iyon. Endayyyyyyy.

internet security

Sanabagan, ano na naman kaya ang nangyari dito sa anti-virus ko, kalahating araw ko na ginagawa mukhang walang nanyayari (with cutipie accent). Ganito kasi ang istorya, nabasa ko sa website nila na may libre daw silang 30 day evaluation period nung bago nilang labas na anti-virus 2008, kita mo naman kung gaano ka advance yung anti-virus ko, September pa lang ay may 2008 version na sila. Ang siste lang puede mo silang ma download at pagkatapos nung 30 day trial period ay puede mo nang iregister uli yung license code mo. Dahil na rin nga sa makakamenos ako ng isang buwang libre....(after 20 minutes...san na ba tayo? nagluto pa kasi ako nang pusit-more on that later)...ayun nga dahil makakalibre ako ng isang buwan dun sa binayaran ko ay kumagat na rin ako. Kaya lang dapat daw ay uninstall ko muna yung anti-virus ko tapos ay install ko naman yung lintek na 2008 version. Madaling sabi ay nagawa ko lahat ang iniutos nila, pero nung re start ko na yung computer bigla na lang nawala yung anti virus ko at hindi ko siya mabuksan. Kaya habang ginagawa ko ang journal na ito ay sangkaterrrrrbbbbbang virus ang humi hello sa akin. Mga buwakang ina nyo huwag muna kanyong maglunch at marami pa akong itatanong online sa live assistance ninyo kung paano ko maibabalik ang anti-virus ko, hindi naman kayo mga taong gobyerno kaya ang break time nyo ay salit salit kaya hindi puedeng mawala ang ibang empeleyado nyo, pleeeaaasssse sagutin nyo naman ang mga querries ko....shit nagsikain na nga yata talaga, sanabagan.

Thursday, September 06, 2007

friendly reminder kuno

Isa sa mga pampalipas ko ng oras kapag rin lang naiipit ako sa traffic ay yung basahin ang mga nakasulat na mga babala o pagbati na nakalagay sa mga karatula at nakakalat sa kalsada. Nakakatuwa kasi lalo na't ang mga nagpapalagay ng nasabing karatula ay mga politiko sa naturang lugar. May nakita nga akong nakasulat dun sa isang lugar sa QC kung saan binabawalan niya ang kanyang mga nasasakupan na "bawal tumawid" sa nasabing daan, pero yung pagkakasulat nung "bawal tumawid" at maliit lang , pagkatapos ay nakasulat naman doon ang pangalan nung politiko na pagkalaki laki ng letra. Wala bang batas dito na sana kung gusto ninyong maglagay ng babala sa kalsada, ilagay nyo na lang pero huwag ng isama ang pangalan ng mga politko, hawang hawa kasi na gusto lang nilang matandaan ang pangalan nila. Kami namang mga pagpag eaters ay madaling bolahin, basta gawin nyo lang ang mga trabaho ninyo bilang isang lider ng mga lugar nyo ay ayos na sa amin iyon. Hindi nyo na kailangang lagyan pa ng mga pangalan ninyo ang lahat ng gusto ninyong gawin. Kapag ayos ang trabaho ninyo bilang lingkod bayan ay mas madali namin kayong maaalala at matatandaan pagdating ng susunod na eleksyon, hindi yung maglalagay kayo ng mga karatula na binabati ninyo ang bagong gradweyt, pinapasalamatan ninyo ang inyong mga mamamayan sa pagtangkilik nila sa inyo, nagpapa-alala kayo na malapit na ang bayaran ng buwis at kung ano ano pa pero ang mga litrato at pangalan ninyo ay naglalakihan sa naturang karatula, mga busettt.

Tuesday, September 04, 2007

112 days to go

Pagbukas ko pa lang ng telebisyon ay bumungad na agad sa akin yung host ng naturang pang-umagang palabas at ipinaaalala sa mga nanonood na 112 days na lang ay pasko na. Isa ang mga pinoy sa mga pinakamahabang magdiwang ng kapaskuhan, isipin mo pagpasok pa lang ng September ay may naririnig ka nang nagpapatugtog ng pamasko, yung iba nga diyan halos isang taong nakakabit yung mas mas lights nila, kaya pagpasok pa lang ng beer months, kumukutikutitap agad yung balkonahe niya. Bakit ba ang mga pinoy ay parang atat na atat sa mga ganitong okasyon na halos bilangin natin kung ilang araw na lang ang natititara at pasko na. Isang dahilan siguro dito ay yung kawalan ng mga ginagawa ng mga noypi. Ang dami na kasing walang trabaho sa pinas, pero ang sabi nila sa jaryo ay umuunlad na tayo. Kaya tuloy kapag pumasok ang beer months panay na tuloy ang bilang ng mga noypi kung ilang araw na lang ay pasko na. Pagkatapos naman ng pasko ang binibilang naman ng mga noypi ay yung pagdating ng bagong taon, tapos fiesta ng quiapo, fiesta ng tondo, araw ng mga puso, fiesta ng kalookan, graduation ng mga bata, summer vacation at kung ano ano pa, kaya tuloy nauubos ang oras at araw ng mga noypi sa walang katuturang hindoropot na lintek. Sirbisa pa nga ati.

pinas- a better place to live

Napapanood nyo ba yung tv show na sinusubok nila ang katapatan o kabutihan ng noypi. Isang social experiment ito para malaman natin kung hanggang saan ang kabutihan o katapatan ng mga tao. Maganda ang gustong palabasin ng mga gumagawa nito, kasi dito mo makikita na marami pa rin noypi ang mababait at mapapagkatiwalaan. Minsan kasi mayroon silang ginawang social experiment kung saan maiiwan kunyari nung "asset" ang kanyang cell phone o kaya ay pitaka. Halos karamihan sa nakakita ay isinauli ang nasabing gamit. Ayokong maging kill joy o skeptic sa mga eksperimento nila, pero minsan kaya siguro sinosoli yung mga naiiwan nilang gamit ay dahil na rin siguro sa dami ng nakakita dun sa naiwan na gamit. Bakit hindi nila subukin minsan na mag-iwan sa isang lugar, kung saan iisa o ilan lang ang makakakita nung nasabing pain, sa hirap ng buhay ngayon palagay ko marami ang masisira sa katapatan ng mga makakakita o makakapulot dito. Pero sa katotalan ng mga ginawa nilang social experiment, makikita mo pa rin na marami pa ring noypi ang matitigas talaga ang ulo. Mayroon din kasi silang ginagawang eksperimento kung saan pinag-aaralan nila kung sumusunod ang mga tao sa batas trapiko o sa tamang pagtawid sa kalsada. Siguro ang dapat talaga sa atin ay yung tamang pagpapasunod ng batas at yung tinatawag na walang palakasan. Kasi kaya lang naman malalakas ang loob natin na sumuway sa mga batas na ipinasusunod sa atin ay dahil na rin lahat naman talaga dito sa pinas ay makukuha sa pakiusap o kung hindi kaya sa paki-usap, puede mo namang iwan ang pitaka mo na may lamang pera sa mga nakahuli sa iyo.

Sunday, September 02, 2007

ako ay pilipino

Ang bilis talaga ng panahon, isipin mo september na naman. Ika nga ng mga tomador, beer month na naman, kaya may dahilan na silang lumaklak uli ng alak kahit wala sa oras. Para sa akin, ang natutuwa lang naman kapag dumarating ang beer month ay yung mga negosyante, kasi panay na naman ang bili ng mga ordinaryong pipol ng kung ano ano kahit hindi nila kailangan, basta ba makagasta lang dahil na rin sa spirit ng beer months. Pero dapat mag-ingat tayo sa mga binibili natin ngayon, kasi ang dami palang mga sub standard na product na gawang china ang nakakalusot sa mahigpit nating mga customs pipol. Isa na diyan yung mas mas lights, mahilig pa naman ang mga noypi na maglagay ng mga kumukutikutitap sa bahay. Kaso paaano mo namang malalaman na yung nabili mong mas mas lights ay sub standard ang gawa. Sana yung mga tao sa DTI ang nagbabantay diyan, kaso dito sa pinas puro ningas kugon lang iyan, kunyari iinspeksiyonen nila yan, pero ilang linggo lang wala na rin sila, balik na uli sila sa aircondition nilang opis. Kaya tuloy nabansagan ang pinas na bansa ng mga tamad, manloloko, sinungaling, ningas cugon at makakapal ang mukha. Ayoko sanang maniwala sa pagkakakilala nila sa ugali ng mga pinoy, dahil nasasaktan din ako dun, pero ito ang nanyayari at nakikita ng mga dayuhan. Kailan kaya natin maiaalis sa mga noypi yung ganung ugali. Iyan din yata ang isang dahilan kung bakit masyado na tayong nalampasan nung mga kapit bahay nating asian. Masyado nang lumubog ang pinas, sumobra na ang hirap ng buhay ng mga tao. Pero ok lang iyan dahil dapat na tayong magsaya, kasi ayon na rin sa mga jaryo, ang 2nd quarter report ng ating gobyerno tungkol sa pag-unlad ng ating bansa ay tumaas daw sa 7.5%, huhuhu waaaaaaaaaaa.

Saturday, September 01, 2007

batibot


Matagal na rin pala mula nung huling mapasyal ako sa MOA o Mall of Asia, kala ko nung dati ang ibig sabihin ng MOA ay Mall of Asay or Mall of Aranaque. Ang ipinupunta ko talaga dito sa mall ay hindi naman ang pamimili kungdi ang mag window shopping lang at saka maglakad ng maglakad. Sabi nga nila isa sa pinakamandang ehersisyo ay ang paglalakad. Kung sa kalsada ka kasi maglalakad, medyo delikado, nanjang baka magiliran ka ng mga kaskaserong driver ng mga pampasaherong sasakyan, bukod pa dun sa usok na masisinghot mo, di bale sana kung yung usok na masisinghot mo ay yung chong que, kaya kapag rin lang gusto kong mag ehersisyo ay sa mga mall ako naglalakad. Habang idinadaos ko ang paglalakad sa nasabing mall ay hindi ko sinasadya na mapagawi sa isang kainan doon (tapos ang exercise), yun bang Lamesa Grill, kaya napahinto ako at tinignan ang menu nila na nakapaskel sa labas. Nung masiguro kong kaya ng intel budget ko ang presyo nila ay sinilip ko naman ang interior ng nasabing kainan, sinusundan na nga ako ng mga waiter at waitress nila, siguro ang akala nung mga baliw ay baliw din ako kaya panay ang ikot ko dun sa loob ng kainan. Nung magbalik ang aking katinuan, napuna ko na lang na nakaupo na kami, yes kami, dahil bigla akong nagkaroon ng buraot from outer space. Ang una kong inorder ay yung Lamesa Combo, puro inihaw ito na nakalagay sa isang bandehado, pero hindi inihaw na musikero kungdi inihaw na pusit, manok, leimpo, lengua, tahong, blue marlin at halaan, sa presyong P345, para sa akin ay hindi na ito talo. Ang sumunod na kinuha namin ay yung pesang isda, masarap din ito dahil sariwa ang isda. Siempre pa hindi naman mabubusog ang noypi kung wala tayong kanin, kaya kumuha rin kami ng kanin at iced tea na bottomless, wala ka naman kasing choice, bottomless lang talaga ang iced tea nila, dito medyo talo kasi P50 ang bottomless iced tea nila, eh hindi ka naman makakatatlong baso nung hinayupak na iced tea at siguradong bondat ka na. Sabagay hindi ka naman nila pinipilit na umorder ng bottomless, mas healthy pa rin siempre kung tubig ang ipantutulak mo. Sa kabuuang suma total, solb kami sa chibug dito, mababait ang serbidora, malinis ang lugar, masarap ang luto at ichinismis pa sa amin nung waiter na babae na isa raw sa may ari nito ay senator na artista ang asawa. Si Ralph Recto? hindi na naman senator iyon sabi nung kausap naming waiter na babae, si Jinggoy Estrada? hindi rin, hindi na naman artista yung asawa nun , si si si Bong Revilla? hindi rin, sirit na, tanong nung kausap namin, ah alam ko na, si Lito Lapid?, hindi rin, hindi na naman niya asawa yung artistang si Melanie Marquez. Ok sirit na sino nga yung senator na isa sa may-ari at asawa ng artista, tanong namin dun sa chismosong waiter na babae, Sir si Kiko po, si Kiki?...err i mean si Kikkkkkkoooo, yung matsing na tropa ni Pong pagong?. Nung bumalik uli ang katinuan namin ay napuna ko na lang na masakit ang wetpu ko dahil tinadyakan na pala kami palabas ng Lamesa Grill nung mga serbidora.