Thursday, September 06, 2007

friendly reminder kuno

Isa sa mga pampalipas ko ng oras kapag rin lang naiipit ako sa traffic ay yung basahin ang mga nakasulat na mga babala o pagbati na nakalagay sa mga karatula at nakakalat sa kalsada. Nakakatuwa kasi lalo na't ang mga nagpapalagay ng nasabing karatula ay mga politiko sa naturang lugar. May nakita nga akong nakasulat dun sa isang lugar sa QC kung saan binabawalan niya ang kanyang mga nasasakupan na "bawal tumawid" sa nasabing daan, pero yung pagkakasulat nung "bawal tumawid" at maliit lang , pagkatapos ay nakasulat naman doon ang pangalan nung politiko na pagkalaki laki ng letra. Wala bang batas dito na sana kung gusto ninyong maglagay ng babala sa kalsada, ilagay nyo na lang pero huwag ng isama ang pangalan ng mga politko, hawang hawa kasi na gusto lang nilang matandaan ang pangalan nila. Kami namang mga pagpag eaters ay madaling bolahin, basta gawin nyo lang ang mga trabaho ninyo bilang isang lider ng mga lugar nyo ay ayos na sa amin iyon. Hindi nyo na kailangang lagyan pa ng mga pangalan ninyo ang lahat ng gusto ninyong gawin. Kapag ayos ang trabaho ninyo bilang lingkod bayan ay mas madali namin kayong maaalala at matatandaan pagdating ng susunod na eleksyon, hindi yung maglalagay kayo ng mga karatula na binabati ninyo ang bagong gradweyt, pinapasalamatan ninyo ang inyong mga mamamayan sa pagtangkilik nila sa inyo, nagpapa-alala kayo na malapit na ang bayaran ng buwis at kung ano ano pa pero ang mga litrato at pangalan ninyo ay naglalakihan sa naturang karatula, mga busettt.

0 comments: