Napapanood nyo ba yung tv show na sinusubok nila ang katapatan o kabutihan ng noypi. Isang social experiment ito para malaman natin kung hanggang saan ang kabutihan o katapatan ng mga tao. Maganda ang gustong palabasin ng mga gumagawa nito, kasi dito mo makikita na marami pa rin noypi ang mababait at mapapagkatiwalaan. Minsan kasi mayroon silang ginawang social experiment kung saan maiiwan kunyari nung "asset" ang kanyang cell phone o kaya ay pitaka. Halos karamihan sa nakakita ay isinauli ang nasabing gamit. Ayokong maging kill joy o skeptic sa mga eksperimento nila, pero minsan kaya siguro sinosoli yung mga naiiwan nilang gamit ay dahil na rin siguro sa dami ng nakakita dun sa naiwan na gamit. Bakit hindi nila subukin minsan na mag-iwan sa isang lugar, kung saan iisa o ilan lang ang makakakita nung nasabing pain, sa hirap ng buhay ngayon palagay ko marami ang masisira sa katapatan ng mga makakakita o makakapulot dito. Pero sa katotalan ng mga ginawa nilang social experiment, makikita mo pa rin na marami pa ring noypi ang matitigas talaga ang ulo. Mayroon din kasi silang ginagawang eksperimento kung saan pinag-aaralan nila kung sumusunod ang mga tao sa batas trapiko o sa tamang pagtawid sa kalsada. Siguro ang dapat talaga sa atin ay yung tamang pagpapasunod ng batas at yung tinatawag na walang palakasan. Kasi kaya lang naman malalakas ang loob natin na sumuway sa mga batas na ipinasusunod sa atin ay dahil na rin lahat naman talaga dito sa pinas ay makukuha sa pakiusap o kung hindi kaya sa paki-usap, puede mo namang iwan ang pitaka mo na may lamang pera sa mga nakahuli sa iyo.
Tuesday, September 04, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment