May napuntahan na naman akong kainan ng steak jan sa isang mall sa araneta avs. Maganda ang nasabing kainan at feeling sosyal ka pagpasok mo pa lang sa nasabing kainan. Dahil na rin sa steak ang ipinagmamalaki nila ay siempre pa yun na rin ang inorder namin, yes namin, may kasama kasi akong tatlong buraot. Sinubok agad namin yung rib eye steak, tbone steak at para hindi kami maumay ay kumuha na rin kami ng isang banyerang chopsuey at grilled lumot (pusit). Ang gimik nila ay iseserve sa iyo ang steak na nakalagay sa sizzling plate at may kasamang side dish na kaunting carrots, mais, green peas at sanrekwang gravy (Oh my gout). Yung kanin naman ay nakahiwalay, parang fine dining ang dating mo tuloy. Hindi ko malaman kung dahil na rin siguro sa gutom, kasi alas dos na rin naman ng hapon nung kumain kami o dahil na rin siguro sa katakawan ko sa steak kaya nasarapan ako dun sa chibog nila. Tinanong ko yung isang buraot na kasama ko, ok din naman daw yung lasa nung rib eye steak na inorder niya, kaya sabi ko na lang sa sarili ko, masarap nga. Maganda rin yung grilled pusit nila, malaki at masarap ang luto. May inilalagay silang parang oyster sauce na barbeque sauce na worstertuchahcuchachichachalichucha soz yata yun kaya masarap. Dun naman sa chopsuey marami ang bigayan pero hindi nila kayang talunin yung kinakainan kong chopsuey jan sa may amoranto na laging puno ng mga chibugers.
Friday, September 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment