Sunday, September 02, 2007

ako ay pilipino

Ang bilis talaga ng panahon, isipin mo september na naman. Ika nga ng mga tomador, beer month na naman, kaya may dahilan na silang lumaklak uli ng alak kahit wala sa oras. Para sa akin, ang natutuwa lang naman kapag dumarating ang beer month ay yung mga negosyante, kasi panay na naman ang bili ng mga ordinaryong pipol ng kung ano ano kahit hindi nila kailangan, basta ba makagasta lang dahil na rin sa spirit ng beer months. Pero dapat mag-ingat tayo sa mga binibili natin ngayon, kasi ang dami palang mga sub standard na product na gawang china ang nakakalusot sa mahigpit nating mga customs pipol. Isa na diyan yung mas mas lights, mahilig pa naman ang mga noypi na maglagay ng mga kumukutikutitap sa bahay. Kaso paaano mo namang malalaman na yung nabili mong mas mas lights ay sub standard ang gawa. Sana yung mga tao sa DTI ang nagbabantay diyan, kaso dito sa pinas puro ningas kugon lang iyan, kunyari iinspeksiyonen nila yan, pero ilang linggo lang wala na rin sila, balik na uli sila sa aircondition nilang opis. Kaya tuloy nabansagan ang pinas na bansa ng mga tamad, manloloko, sinungaling, ningas cugon at makakapal ang mukha. Ayoko sanang maniwala sa pagkakakilala nila sa ugali ng mga pinoy, dahil nasasaktan din ako dun, pero ito ang nanyayari at nakikita ng mga dayuhan. Kailan kaya natin maiaalis sa mga noypi yung ganung ugali. Iyan din yata ang isang dahilan kung bakit masyado na tayong nalampasan nung mga kapit bahay nating asian. Masyado nang lumubog ang pinas, sumobra na ang hirap ng buhay ng mga tao. Pero ok lang iyan dahil dapat na tayong magsaya, kasi ayon na rin sa mga jaryo, ang 2nd quarter report ng ating gobyerno tungkol sa pag-unlad ng ating bansa ay tumaas daw sa 7.5%, huhuhu waaaaaaaaaaa.

0 comments: