Saturday, September 01, 2007

batibot


Matagal na rin pala mula nung huling mapasyal ako sa MOA o Mall of Asia, kala ko nung dati ang ibig sabihin ng MOA ay Mall of Asay or Mall of Aranaque. Ang ipinupunta ko talaga dito sa mall ay hindi naman ang pamimili kungdi ang mag window shopping lang at saka maglakad ng maglakad. Sabi nga nila isa sa pinakamandang ehersisyo ay ang paglalakad. Kung sa kalsada ka kasi maglalakad, medyo delikado, nanjang baka magiliran ka ng mga kaskaserong driver ng mga pampasaherong sasakyan, bukod pa dun sa usok na masisinghot mo, di bale sana kung yung usok na masisinghot mo ay yung chong que, kaya kapag rin lang gusto kong mag ehersisyo ay sa mga mall ako naglalakad. Habang idinadaos ko ang paglalakad sa nasabing mall ay hindi ko sinasadya na mapagawi sa isang kainan doon (tapos ang exercise), yun bang Lamesa Grill, kaya napahinto ako at tinignan ang menu nila na nakapaskel sa labas. Nung masiguro kong kaya ng intel budget ko ang presyo nila ay sinilip ko naman ang interior ng nasabing kainan, sinusundan na nga ako ng mga waiter at waitress nila, siguro ang akala nung mga baliw ay baliw din ako kaya panay ang ikot ko dun sa loob ng kainan. Nung magbalik ang aking katinuan, napuna ko na lang na nakaupo na kami, yes kami, dahil bigla akong nagkaroon ng buraot from outer space. Ang una kong inorder ay yung Lamesa Combo, puro inihaw ito na nakalagay sa isang bandehado, pero hindi inihaw na musikero kungdi inihaw na pusit, manok, leimpo, lengua, tahong, blue marlin at halaan, sa presyong P345, para sa akin ay hindi na ito talo. Ang sumunod na kinuha namin ay yung pesang isda, masarap din ito dahil sariwa ang isda. Siempre pa hindi naman mabubusog ang noypi kung wala tayong kanin, kaya kumuha rin kami ng kanin at iced tea na bottomless, wala ka naman kasing choice, bottomless lang talaga ang iced tea nila, dito medyo talo kasi P50 ang bottomless iced tea nila, eh hindi ka naman makakatatlong baso nung hinayupak na iced tea at siguradong bondat ka na. Sabagay hindi ka naman nila pinipilit na umorder ng bottomless, mas healthy pa rin siempre kung tubig ang ipantutulak mo. Sa kabuuang suma total, solb kami sa chibug dito, mababait ang serbidora, malinis ang lugar, masarap ang luto at ichinismis pa sa amin nung waiter na babae na isa raw sa may ari nito ay senator na artista ang asawa. Si Ralph Recto? hindi na naman senator iyon sabi nung kausap naming waiter na babae, si Jinggoy Estrada? hindi rin, hindi na naman artista yung asawa nun , si si si Bong Revilla? hindi rin, sirit na, tanong nung kausap namin, ah alam ko na, si Lito Lapid?, hindi rin, hindi na naman niya asawa yung artistang si Melanie Marquez. Ok sirit na sino nga yung senator na isa sa may-ari at asawa ng artista, tanong namin dun sa chismosong waiter na babae, Sir si Kiko po, si Kiki?...err i mean si Kikkkkkkoooo, yung matsing na tropa ni Pong pagong?. Nung bumalik uli ang katinuan namin ay napuna ko na lang na masakit ang wetpu ko dahil tinadyakan na pala kami palabas ng Lamesa Grill nung mga serbidora.

0 comments: