Friday, August 31, 2007

bookworm






Ang ganda nung bookfair na idinaos sa world trade center, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa naturang fair dahil na rin sa kagustuhan ni erpat na masilip din ito. Palabasa rin ako, pero hindi ko binibigyan ng pansin ang mga bookfair, kasi ang akala ko nung dati, kapag may ganitong okasyon, puro mayayaman at mga burgis lang ang nagpupunta dito. Nagkamali pala ako sa pananaw kong iyon, kasi pag pasok ko pa lang sa nasabing lugar, ang una ko agad napuna ay mga estudyante at mga karaniwang tao din na mahihilig sa libro. Maraming mapapagpiliang babasahin sa naturang fair, kung hilig mo ang mga rare books marami kang makikita dito. May mga Filipiniana books din, informative books, cooking books, tech books, inspirational books at iba pa, kaya nga book fair, siempre lahat na ng gusto mong hanapin na babasahin ay makikita mo dito. Pero bakit wala silang tiktik almanac, hindi kaya sumali sa fair ang mga publisher at book seller ng nasabing almanac, nagtatanong lang naman.

0 comments: