Ang lupit din naman nitong ulan, itinapat pa sa tatlong araw na bakasyon namin, yes dahil sa lunes ay wala kaming pasok kasi inilipat yung para sa martes na holiday. Ang dami ko pa namang iskedyul na gimik. Balak ko pa sanang silipin yung paborito kong Lacoste tashert na pinag-iipunan kong bilhin, nampucha almost six hundred pesos na yung naitabi ko, kaunti na lang ay mabibili ko na iyon. Ang laging pray ko nga kay Lord ay sana huwag munang mabili yung Lacoste tashert nung mga anak ng mayayaman at mga nagsa saudi dahil isa na lang yung ganoong kulay. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kung kailan pa mahaba ang bakasyon ng mga party pipol ay saka naman umuulan. Katulad na lang kahapon, Friday, masyadong malakas ang buhos ng ulan, ganung yan pa naman ang araw ng gimikan naming mga party pipol, hindi tuloy ako nakagimik. Paano ka ba namang makakagimik eh para kang basang sisiw. Sana sa susunod na darating ang ulan, itapat nila sa araw ng lunes para wala kaming pasok. Pero please dear Lord, huwag sa darating na lunes kasi nadeklara nang holiday ito ni madam maninira ng mga luxury vehicle na no show naman sa Subic...busettttt.
Saturday, August 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment