Tatlong buwan na palang may nangyayaring maganda sa lugar namin na hindi ko nalalaman. Humihina na yata ang mga "asset" ko, kung hindi pa ko napagawi sa lugar namin sa Ibayo, ay hindi ko pa malalaman na may bagong inuman sa nasabing lugar. Ang Ibayo Grill na kabubukas pa lang tatlong buwan na ang nakakalipas ay kamukha rin ng porma nung Endos Grill pero dahil bago nga, kaya naingganyo akong subukin. Mayroon din silang mga kubo na puede kang doon uminon o kumain. Marami silang mga pulutan at pagkain na nakalista sa kanilang menu. Ang una naming sinubok siempre ay ang walang kamatayang sizzling sisig, marami ang bigay nila, pero parang may kulang pa sa lasa. Ang sumunod na inorder namin ay yung kilawing tanigue, dito medyo talo, kasi hindi ko naipaalala sa waiter na sabihin dun sa cook nila na ang order namin ay kilawing tanigue at hindi kilawing sibuyas. Marami pa sana akong gustong subuking pagkain at pulutan sa kanila, pero siguro sa susunod na dalaw ko na. Ang maganda pa sa lugar na ito ay puede kang magdala ng mga tech gadgets mo, katulad ng laptop o PDA kasi ay wifi ready ang lugar nila...doon sila nakaangat ng kaunti sa ginagaya nilang Endos Grill na paboritong puntahan ng mga gimikero sa lugar namin sa ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment