Ginulat na naman tayo ng napakalakas na ulan. At kapag sinabing napakalakas na ulan, ang kasunod nito ay napakalalim na baha. Isa na naman ako sa nabiktima ng lintek na baha na ito, masarap sanang makisabay sa mga nagtatampisaw dahil parang bumabalik ang masasayang ala-ala ko nung dating nagtatakbuhan kami sa Libis kung saan ako ay lumaki. Dun kasi sa dating lugar namin ay madalas din bumaha, kaya kaunting buhos lang ng ulan, takbuhan na kaming lahat sa labas. Hindi na namin iniintindi kung madali kami ng leptopyrotechnik, kleptomayrosis, leptorayt...ah basta hindi na namin iniintindi kung may ihi ng daga yung tubig. Bigla tuloy lumipad o nag trip ang isip ko habang nakabara kami, yes kami, may kasama kasi akong buraot. Paano ba naman halos hindi umaadar ang mga sasakyan na sinusundan namin dahil ayaw magsilusong sa malalalim at maduming tubig baha. Kaya ang ginawa na lang namin ay nagkasa kami sa cassette player na nakalagay sa kotse at pinakinggan namin ang Black Sabbath Live. Doon na nagsimulang lumipad ang isip namin. Marami kasi akong magandang karanasan nung araw. Sa tuwing may gagawin kaming kabalastugan ay isa ang Black Sabbath sa madalas naming patugtugin. Nung himayin ko ang mga lyrics at tono nung mga tugtog ng Black Sabbath ay ngayon ko lang nabigyan ng pansin na mga henyo pala ang mga lintek na grupong ito. Nung dati kasi kapag rin lang maingay ang gusto kong musika ay sila agad ang ikinakasa ko sa turn table namin, pero hindi lang pala basta ingay ang dulot ng tugtog nila, kundi may saysay din. Dun naman sa tipa nung gitarista, matay kong pakinggan, simpleng "power chords" lang ang gamit pero nailatag niya ng maganda. Halos nawala na sa isip namin yung tubig baha, dahil nga nag trip na kami sa ingay ng tugtog. Nabulabog lang muli kami nung maramdaman naming yung tubig baha sa kalye ay nasa loob na pala nung flooring ng kotse ko..WAAAAA
Thursday, August 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment