Saan at paano ba natin masusukat ang kaligayahan. Magiging maligaya ba tayo kung mayroon tayong mga tech gadgets na uso ngayon o kaya katulad na rin nung lyrics sa kanta ng Wuds na "nakalimutan ang diyos"- malaking bahay, magarang kotse, maraming pera, magandang asawa, may mga anak, may mga damit, masarap na pagkain, sikat na sikat kasi may pangalan. Kaya ko biglang naiisip ito ay dahil dun sa nakitang kong kaligayahan nung mga nakasama ko sa isang trabaho. Mga wasak bahay gang sila o pacman kung tawagin namin. Sila yung mga taong kapag nakarinig na ng salitang ATTACKKK ay aakyat agad sa mga kabahayan at gigibain na yung mga bahay. Nakasama ko muli sila pero hindi dahil may sisibakin kaming mga kabahayan, kungdi may ipapabuhat akong mabigat sa kanila kaya kailangan ko ng maraming tao. Kung titignan mo ang mga bihis at galaw nila, mapupuna mo na nagsilaki sila dun sa "gray area", isa itong code para sa amin na ang ibig sabihin ay depressed area o sa salita nating mga pagpag eaters, sila yung mga eskwakwa. Nang matapos na namin ang trabaho ay nagyaya na kaming kumain, siempre pa dahil na rin sa sobrang gutom na namin, alas dos na rin naman kasi, kaya hindi na namin makuhang mamili pa ng kainan, basta kahit saan na lang, ang mahalaga magkaroon ng laman ang tiyan. Umorder kami ng inihaw na liempo, sinigang na liempo, dinuguan, laing, adobong pusit, kalderetang ewan, manok na may sarsa, giniling na may maliliit na siling pula at sanrekwang kanin. Nung kumakain na kami, dun ko napuna yung mga wasak bahay gang kung paano sila kumain. May kasama nga kami na kinuha yung serving plate ng kanin at yun na ang kinainan niya. Ang napupuna ko lang sa kanila, kahit sankaterba na yung ulam na nakalatag sa mesa, kakaunti pa rin kung mag-ulam sila, siguro nasanay na silang kumain ng kanin at patis lang kaya deadma sa kanila yung ulam. Dito ko tuloy nasabi na mas masuwerte sila kesa sa atin, kasi masaya na sila sa kakaunti at wala sila halos iniisip kung meron ba uling trabaho o makakain bukas. Samantalang tayo, halos nagpapakamatay sa trabaho at panay ang isip kung paano pa mapapaunlad ang ating sarili, ganung may kaunti na naman tayong kabuhayan. Ano nga ba ang tunay na magpapasaya sa atin, ito ba ang karangyaan ng pamumuhay?, malaking bahay, magarang kotse, maraming pera, magandang asawa, may mga anak, may mga damit, masarap na pagkain, sikat na sikat kasi may pangalan pero nakalimutan ang diyos.
Friday, August 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment