Kainis naman minsan lang dumating sa atin ang pagkakataon na ito ay hinasel pa tayo ng klima. Ang sinanasabi ko ay ang lunar eclipse na naganap kahapon. Ang ganda pa naman ng puwesto namin habang hinihintay yung nasabing eclipse, dun ba sa Ibayo Grill. Kaya lang halos naubos na namin yung crispy ulo, crispy hipon at bihon guisado na inorder namin ay hindi rin namin nasaksihan ang eclipse. May kasabihan nga na kapag nagkakaroon daw ng lunar/solar eclipse ay nagbibigay daw ito ng malas sa ibang mga tao. Pero para sa akin ay hindi ako naniniwala jan, kasi yung namang suwerte o malas ng tao ay tayo ang gagawa niyan. Hindi mo puedeng idikit iyan sa mga nangyayaring hindi pangkaraniwan. Katulad na lang na kapag daw malakas ang kulog at kidlat, ang ibig sabihin daw niyan ay may nanganganak na kapre, anong klaseng pamahiin iyon. Naniniwala pa ako na kapag ikaw ay uminon sa kubo kubo habang inaabangan mo ang lunar eclipse, ang malamang na mangyari sa iyo ay mahilo, dahil na rin sa dami ng maiinom mong serbesa kahihintay sa hinayupak na total alignment ng sun, earth at moon.
Wednesday, August 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment