Hindi mali ang spelling nung title ng blog ko ngayon, tama iyan goat as in goat. Akala nyo ang iiistorya ko pa rin ay ang tungkol sa gout ko. Hindi na oy dahil bumuti na ang paa ko mula ng makuhanan ako ng dugo at sankaterbang uhog at luha nung doktor na kakilala ko. Kaya iyan ang pamagat ng journal ko ngayon ay dahil goat ang tanpulutz namin ni utol habang sinusulat ko ito. Goat as in adobong goat, kalderetang goat, kilawin ng goat at may papaitan pa (with imbestigador accent). Magaling pa din pala ang memorya ko, kasi nung banggitin nung doktor ang mga bawal sa akin ay hindi ko natandaan na binawalan niya akong kumain ng goat. Kaya heto kami ngayon ni utol, puro goat ang tanpulutz. Beer? hindi rin yata bawal iyon sa akin, ewan ko basta kasi nung sinasabi na nung doktor ang mga bawal sa akin ay tinakpan ko na ang tenga ko para hindi ko na masyadong marinig. Sayang nga lang at walang film yung instamatik na camera ko, kungdi ay kukunan ko sana ng piktyur yung tanpulutz namin pati na yung gout ko sa paa. Kayo na ang bahalang magkumpara kung ano ang pagkakaiba ng goat at gout.
Wednesday, August 01, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment