Yehey, yahoo, mozilla sa wakas ay bumuhos na rin ang ulan. Kahit papaano ay nabawasan ang tagtuyot. Masarap sana kapag laging umuulan, kasi bukod sa lumalamig ang panahon ay nakakagaan ng pakiramdam. Matagal din bago tayo nabigyan ng ulan, kaya nga pati ang mga katolikong simbahan ay nagsipagdasal na rin na bumuhos sana ang ulan, ayun at pinagbigyan naman. Ang lakas talaga nila sa itaas ano?. Ang problema lang natin kapag panay ang ulan ay yung mga kalsada, kasi kaunting buhos lang ay baha agad, kaya hindi ko mailusong yung bisikleta ko, baka kalawangin. Pero hindi bale puede naman akong magkaretela papunta dun sa kumpare kong magpapabinyag (oops matagal pa iyon). Ang naaalala ko kapag panahon ng tag-ulan ay yung bang mga nagbebenta ng talangka, mahilig kasi ako diyan lalo na kapag malalaki ang talangka. Ang masarap pa niyan ay yung nakakamay ka, tapos bubuldoseren mo ng kuko yung aligi sabay sawsaw sa singkong suka na pinigaan ng siento singkuwentang sili, da best, nakataas pa ang isang paa mo niyan sa upuan. Isa pang paborito ko kapag tag-ulan ay yung madalas ay walang pasok dahil na rin sa kaguluhan kung sino ang magdedeklara na walang pasok. Madalas kasi ay nagpapasahan ang lokal na sangay ng gobyerno kung sino ba ang dapat magdeklara na walang pasok. Buti na lang at hindi ako naging pinuno ng isang sangay ng gobyerno, kasi kung ako ang nailagay sa ganyang posisyon, kahit ambon lang, idedeklara ko na agad na walang pasok. Sarap yatang tumoma kapag umuulan, lalo na't bagong bili yung pang-ulan mong jacket.
Wednesday, August 08, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment