Saturday, August 25, 2007

resbak

Sino may sabing si McArthur lang ang kayang bumalik, kami rin. Kaya kagabi ay niresbakan agad namin yung nadiskubre kong inuman cum wifi cum coffee shop cum pet shop. Ang sinubok naman naming tanpulutz ay ang adobong kambing at crispy hipon. Nung dumating na ang tanpulutz ay AAAAAA-wait, bakit kakaunti yata yung adobong kambing nila. Ang sagot nung waitress na lalaki ay kasi mahal daw ang kambing. Baloney, halos araw araw ay kambing ang kinakain ko mula nung ibawal na sa akin ang red meat, kaya alam kong mura lang ang bencabs, lokohin nyo lelong n'yong panot. Kaso wala ka namang magagawa kahit maglupasay ka sa buong ibayo, kaya sabi ko charge to experience manong. Yung crispy hipon nila ay panalo at maganda ang luto, kaya AAAAATTTTTACK. Matapos naming birahin yung erbuk at tanpulutz ay lumipat naman kami sa Endos-ang sosyal na inuman cum kainan na paboritong pasyalan ng mga promdi. Puno ang lintek na lugar, sila pa rin talaga ang numero uno dito sa province namin, ganung dalawa na ang pilit na gumagaya sa kanila. Ang maganda naman kasi sa hindoropot na Endos ay wala silang consumable kapag gusto mong pumuwesto sa kubo, hindi katulad dun sa kabubukas na inuman sa ibayo ay mayroon pa silang diskarte na kapag sa kubo ka nakapuwesto ay dapat hindi bababa sa limang daang piso ang magastos mo. Ano kala nila sa amin POOR, hoy hindi kami natatakot na gumastos ng limang daang piso dahil wala naman talaga kaming pambayad, sanay na kaming makulong ng nakainom, bastos.

0 comments: