Putok na putok ngayon ang mga indie films, ito yung mga gumagawa ng pelikula na medyo maliit ang budget pero hindi nagpapadikta sa mga producer, ika nga kung ano ang gusto nilang mangyari sa pelikula nila ay sila ang nasusunod. Katulad na lang nung pelikulang "tribu", halos wala kang makilalang artista, pero tumabo ng award. Karamihan nga sa mga nagsilabas sa pelikulang ito ay mga "tunay" daw na gang member sa tondo, yun ang sabi nila. Madalas na rin kaming makapanood ng mga ganitong indie, may isang istasyon kasi sa telebisyon na nagpapalabas nito. Sino ang hindi makakalimot sa pelikulang "Baryoke" at "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros". Noong araw, yes noong araw ay may nagawa akong isang script, hindi pa masyadong putok ang indie films noon. Madalas ay makikita mo na lang sa jaryo na may nanalo na palang mga indie film makers pero hindi mo ito mapapanood sa telebisyon kungdi sa MIFF lang. Minsan kasi ay nakatalisod ako ng isang imbitasyon, kung saan ay nakalagay doon ang mga kasaling indie o short film pa ang tawag noong araw. Isa rito ang tumawag ng pansin sa akin, ito yung pelikula o short film na pinamagatang "Lapis". Kaya nung mabasa ko ang plot outline nung nasabing short film ay nagkainteres akong gayahin (hindi yung script baduy) ang nasabing medium. Yun nga nakagawa ako ng isang istorya na tungkol sa mga babaeng nagtratrabaho sa Makati. Isa itong whodunit, ikaw ang magsosolb kung sino ang gumawa nung nasabing krimen. Sayang nga lang at hindi naisapelikula dahil na rin sa kakulangan ko ng gamit nung araw (digital cam at pondo). Kaya ngayong kainitan na naman ng indie ay parang kiniliti ang laman ko at balak ko sanang gumawa uli ng istorya na indie o yung hindi pang magsyota na puede mong ulit ulitin sa sine habang nakapuwesto kayo doon sa KKK (kataas taasan, kasulok sulukan, kadilim diliman) ng sinehan. Ang una kong gustong gawing istorya ay yung bang may pinamagatang "Tsimosong Elevator". Kung madalas kang mapunta sa mga malalaki at modernong gusali ay mapupuna mo dito yung mga elevator nila na nagsasalita (we are now at the 13'th Floor) kapag nakarating ka na sa palapag na gusto mong puntahan. Siempre pa sa loob ng elevator mo madalas marinig ang mga empleyado na nagkukuwentuhan o nagtsitsismisan, kaya madalas marinig nung elevator ang inyong pinag-uusapan. Tapos hindi nyo alam na may sarili palang isip o buhay yung elevator at lahat ng pinag-uusapan ninyo ay naririnig niya. Minsan nagkaroon ng patayan sa loob ng elevator, kung saan isang magandang babae ang nakitang patay. Walang witness maliban lang sa "talking elevator". Isa pang gusto kong gawing istorya para sa indie films ay yun namang may pinamagatang "Kokak ng Baka". Dito kasi sa lugar namin ay balot pa rin kami ng bukid, kahit na sabihin pa nating balot na rin kami ng modernong teknolohiya katulad ng internet at cable tv. Ang gusto ko namang gawin plot dito ay yun bang kapag natapos umulan ay madalas tayong makarinig na parang nag-iiyakang mga baka. Pero kung sisilipin mong yung bukid ay wala ka namang makita kahit isang baka, kaya jan palang ay magsisimula na agad ang misteryo. Tapos tututukan nyo na agad ng hidden camera ala science docu yung bukid kung saan nanggagaling ang mga iyak ng baka, hanggang sa ipapan nyo pataas ang kuha ng camera at ipakikita ang kabuuan ng bukid na may mga nabubuong images na korteng Mama Mary, ala Nazca Lines o Circle Makers. Nung makita nyo sa camera yung malaking image ni Mama Mary ay ipinaalam ninyo sa ilang kakilala ang inyong nadiskubre. Ilang oras lang ay nagkalat na sa bukid ang mga namamanpalataya o mga usisero. May dalang imahen ng birhen, yung iba naman ay may mga tindang T-Shirt na may tatak ni Mama Mary, may nagtitinda na ng banal na tubig. Yung iba naman ay humuhini na nang kordero ng Diyos. Nakialam na rin ang mga reporter at pinalabas na sa telebisyon ang nasabing talahib sa bukid na nagkorteng imahe ni Mama Mary. Kaya lang yung dalawang tao na nakadiskubre sa imahe ni Mama Mary sa bukid ay hindi makapagbigay ng interview sa reporter dahil nagtatago sila sa kasong pagnanankaw ng mga metro ng tubig. Tapos minsan habang nagdadaos sila ng misa sa nasabing bukid ay biglang umulan ng malakas. Marami na naman ang nagsabi na sinadya iyan ni Mama Mary at lalo pang nagulantang ang mga namamanpalataya nung marinig yung iyak ng baka pero wala naman silang makitang baka. Ang galing ng plot diba?
Sunday, August 05, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment