Saturday, August 25, 2007

gran guitarrista

May bago akong kinalolokohan na musikero, enday hindi ko nililigawan, kungdi kinagigiliwan ko ang mga tugtog nila buset, umentra ka na naman kasi. Ang tinutukoy kong musikero/musikera ay ang Rodrigo Y Gabriela, mga Mexicano sila na nakilala sa pamamagitan ng pag gitara. Ngayon lang ako nakarinig at nakapanood (you tube) ng ganitong klaseng musikero. Accoustic ang gamit pero ang mga piyesang binibira ay rock pero Latin style ang version. Ayon na rin sa website ng dalawang lintek, naging busker din pala sila. Sabagay maraming sumikat na busker, isa na rito ang Simon at Garfunkel. Neweys nagsimula ang paghanga ko sa mga lintek na ito nung nakapanood ako ng isang music video nila na pinakalat sa You Tube, yun bang version nila ng Stairway to Heaven. Yan pa naman ang paborito kong tugtog ng Eagles...yes enday alam kong Led Zep ang tumira niyan, sinusubukan ko lang ang music I.Q mo hendot este hindot. Kung pagmamasadan mo ang paghimay sa fret ng gitara nitong si Rodrigo, mapupuna mo na beterano na siya sa tugtugan. Ito namang si Gabriela ay....seksi, sus hindi iyon ang gusto kong sabihin tungkol sa kanya. Ang maganda naman dito kay Gabriela ay ang katawan, oops ang ibig kong sabihin ay magaling naman siya sa rhythm at kaya niyang sabayan ang mga "riff" ni Rodrigo. Nung isang araw nga ay ginalugad ko lahat ng tulak ng music CD sa pinas, pero nampucha walang nakakakilala sa dalawang ito. Kala ko pa naman ay malawak na ang pinoy sa music, may isa nga akong napagtanungan na bantay sa tindahan ng CD halos hindi niya alam kung sino sila Rodrigo Y Gabriela. Ang sabi ba naman sa akin ay mayroon lang silang CD nung kay Willie Y Revillame. Pero teka mabalik ako kay Gabriela, hanep talaga ang ganda nito, pang porno ika nga. Kapag kaya wala silang ensayo ni Rodrigo ay naisip kaya nila minsang mag...di bale na nga lang, talagang tayong mga pinoy marurumi ang isip...bastos.

0 comments: