Grabe yung ulan kahapon, halos hindi mo makita yung dinadaanan mong kalsada sa lakas ng buhos nung ulan. Kasi naman yung iba jan, dasal pa ng dasal na umulan, hayan nagalit tuloy si bossing at binigyan tayo ng napakalakas na ulan. Isa ako sa naperwisyo ng lintek na buhos ng ulan na ito. Doon pa lang sa Araneta Avs ay hindi na halos ako nakalusot dahil ang lalim ng tubig. Papunta pa naman akong South kahapon para sa isang hindi maipagpaliban na trabaho. Masarap nga sanang magliwaliw kapag umuulan, kasi bukod sa puede kang pumorma at isuot mo yung bago mong jacket ay malamig pang bumiyahe. Ang nakakakunsume lang ay kapag hindi halos umaandar ang mga sinasakyan nyo. Akala ko ba ay nasolb na ang pagbaha dito sa pinas, pero sa nakita ko kahapon ay naniniwala akong puro press released lang iyon. Nung papunta na kami, yes kami, may kasama kasi akong buraot, dun sa South ay ganoon din ang hitsura ng panahon. Halos hindi ka rin makapagpatakbo sa South Super Highway ng ayon sa idinidikta nilang legal na bilis ng takbo. Ang dahilan naman ay hindi sa lakas ng ulan kungdi yung sankaterbang hukay dahil inaayos ang kalsada doon, kunsume talaga. Buti naman at nakarating kami sa dapat naming puntahan doon, kaya lang ay wala kaming nakitang mamahaling lugawan sa nasabing lugar kaya nagtiyaga na lang kaming chumibog sa...Chowking. Hello...sa Chowking?. Opo sa Chowking kami lumapa dahil kumakalam na ang sikmura namin. Pero teka hindi ba ito yung kainan na kailan lang ay nasa telebisyon dahil inireklamo kuno nung isang miyembro ng media dahil pinakalam ang tiyan niya. Nakakatuwa naman dun sa Chowking dahil napakalinis nung lugar nila at very very very friendly ang mga staff. Siguro mga isang linggo lang yan dahil nga maiinit pa yung balita sa telebisyon nung insidente sa isang sangay nila, ika nga ningas kugon lang iyan, pinoy eh. Pero para sa akin kahit na may nakainom nung sinasabi na nga na uo nung small rat, mas gusto ko pa ring kumain sa nasabing establisyemento, kasi mahilig ako sa veggie at isa iyang Chowking sa masarap magluto nung mixed vegetable o chopsuey.
Thursday, August 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment