Maganda rin pala yung dumarami ang mga mall kasi nagkakaroon ka ng pagkakataong pumili kung saan mo gustong pumunta. Noon kasi kapag rin lang gusto mong mag window shopping sa mall, ang unang papasok sa iyo ay ang SM, kaya kung malapit ka lang sa Kalookan-Quezon City sigurado ang bagsak mo ay sa SM north edsa. Pero mula nung maitayo ang Trinoma sa kanto ng edsa at north avenue, nagkaroon na tuloy ng pagpipilian ang mga namamasyal. Marami rin ang nawalang parokyano ng SM mula nang maitayo ang Trinoma. Sabagay bale wala naman sa mga may ari ng mall kung saan gustong pumunta ng tao, karapatan nila yun eh. Kaya tuloy ako ay madalas mapunta ngayon sa Trinoma, kasi bukod sa bago sa paningin ang mga shop doon, marami ka pang mapapagpilian na bagong kainan. Nung isang araw nga ay sinubok ko naman yung Cavana doon sa food court nila. Mura lang ang mga tinda nila at marami rin ang bigayan. Ang sinubok ko doon ay yung tender beef na pinutakte ng paminta tapos may kasamang itlog at side dish na mais at toge. The best, kaya lang yan pa naman ang mga bawal sa akin, dahil mayaman sa purine. Pero sabi nga ng iba, ang mahalaga ma enjoy mo lahat, kesa halos ubusin mo ang oras mo sa kaiiwas sa mga bawal na pagkain at halos magpakamatay ka sa pagod ka eehersisyo, pero pag -uwi mo naman ay tinitipid mo ang sarili para sa kaunting garnacha sa buhay. Para sa akin dun na ako sa ikasasaya ng buhay ko, kasi yan naman ang pinaka mainam na gamot para humaba ang buhay natin. Yung paghaba ng etits? ah ibang istorya na yun.
Saturday, September 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment