Ingridents, Ingredints, Ingredience, Ingridbeckham...buset basta ito yung mga sahog:
1. 12 bottles of ice cold beer (SMB or Lights)
2. mantikang china
3. Bawang china
4. sibuyas china
5. siling berde na galing sa china
6. celery na galing sa china
7. sukang china
8. asin na galing sa china
9. asukal na gawa ng mga intsik sa pinas
10. pamintang china
11. pusit (siempre buset)
Paraan ng pagluluto:
Linisin ang pusit at ilagay sa isang lumang palanggana, magbukas ng malamig na serbesa, ilagay ang pusit, bawang, sibuyas, suka, paminta, asin sa kawali...pakuluan ng ilang minuto para lumambot, habang hinihintay lumambot ang pusit, mabukas uli ng isang malamig na serbesa. Kapag mabango na ang amoy ng suka, ang ibig sabihin nito ay malapit nang maluto ang suka. Magbukas uli ng malamig na serbesa (pangatalo ko na ito ha). Ibuhos muna ang sabaw ng pusit sa lumang palanggana at ibalik sa kalan ang kawali na may lamang pusit. Magbukas uli ng malamig na serbesa ay inumin agad para hindi mawala ang lamig (pang apat ko na ba to). Lagyan ng kaunting mantika yung kawali at igisa ng kaunti ang pusit. Ilabas muna yung apat na basyo ng serbesa sa garahe para hindi makita, tapos ay magbukas uli ng isa pang malamig na serbesa (pang lima ko yan). Ibalik sa kawali ang sabaw ng pusit at lagyan ng kaunting asukal, tikmam kung ayos na ang timpla, uminom uli ng serbesa. Ilaglag ang siling china at celery sa kawali at pakuluin ng kaunti. Magbukas uli ng pang anim na malamig na serbesa. Kumuha ng kaunting pusit at ilagay sa tasa, umupo sa terrace at makinig ng Pink Floyd sa CD. Magbalot ng chong que at sindihan yung half. Tikman ang pusit na nasa tasa kung malambot na ay ayos na sa timpla. Isuot ang rayban para hindi sumakit ang mata sa init ng katanghaliang araw. Magbukas uli ng serbesa (pang anim ko na yata ito ha). Sindihan uli yung kalahating joint. Sumandal ng mabuti sa upuan at damdamin ang iyak nung gitara ni David Gilmore dun sa solo lead niya sa Another Brick in the Wall. Walisin ang nabasag na bote ng beer at tasa. Walisin na rin yung pusit na natapon sa tasa dahil baka langgamin. Magbukas ng isa pa uling serbesa (pang pito ko na ito) at alisin na sa freezer yung natitirang lima dahil baka sumabog sa sobrang lamig. Umupo uli at lakasan ang CD player dahil "Mother" na ang tugtog sa CD player. Pumikit dahil maganda rin ang lead nung gitara jan ni David Gilmore. Oooops ano yun amoy sunog, teka napatay ko ba kanina yung kalan. Parang amoy pusit na sunog san kaya nanggagaling iyon. Endayyyyyyy.
0 comments:
Post a Comment