Sunday, April 12, 2009

easter




Hanep ang bilis ng araw, kailan lang ay nagsisimula ang kuwaresma, tapos heto easter sunday na agad at lahat ay nagsasaya lalo ng ang mga kristiyano dahil buhay na uli si bossing. Ang mabigat lang kapag mahaba ang bakasyon mo at tapos wala ka namang sobrang pera para magpunta sa magagandang lugar sa pinas (boracay), ang nangyayari tuloy ay nabuburo ka lang sa bahay. Katulad na lang ng nangyari sa akin, halos ilang araw din akong nakulong sa bahay. Wala rin lang akong magawa kaya sinimulan ko nang kalawkawin lahat ng tokador at kasulok-sulokan ng bahay para linisin.




Kalilinis ko ay nakalawkaw ko tuloy yung digital video camcorder ko. Kaya kanina easter sunday ay ikinabit ko sa telebisyon ang mga wiring ng nasabing camcorder at hinalukay yung mga tape kung saan nakarecord ang mga dati kong bakasyon. Nung ikinasa ko na ay nagulat na lang ako nang mapanood ko sa tape yung bakasyon ko sa boracay last year. HUWAAAAA, bigla tuloy akong nalungkot. Nagulat tuloy yung mga buraot kong neighbor kung bakit ako lumuluha ganoong araw dapat ng pagsasaya dahil buhay na nga si bossing. Busettttt!!!

P.S-Ilang oras kaya aabutin kung bibiseklitahin ko papuntang boracay?



0 comments: