Thursday, April 09, 2009

Kabilin bilinan ni lola, huwag daw uminom ng serbesa


Sanabagets, kung kailan naman mahaba ang bakasyon ay saka pa ako nadale ng pamamaga ng gums, Gingivitis or Periodontitis ba tawag dun?. Ang bangis din naman ni bossing, read: JESUS, idinamay pa ako sa kalbaryo niya. Ganung kapag santo-santo ay hindi naman ako lumalabas ng bahay at talagang nangingilin ako. Yun iba nga diyan ay bale wala ang santo-santo at ang inatupag ay maglublob ng nakabikini sa boracay. Dapat siguro yun na lang ang mga tinubuan ng pamamaga ng gums para ipaalala sa kanila na ang kuwaresma ay panahon ang pag aayuno at hindi paglublog sa boracay.


Sabagay, kung marami rin lang akong pera, siguro nandun din ako ngayon sa boracay o sa ibang magagandang dagat dito sa pinas. Pero ibang usapan na yon. Nagtanong nga ako sa kilala kong dentista kung ano ang dahilan bakit namaga ang gums ko. Buwakanabitz, sabihan ba naman ako ng puro medical term, parang may narinig pa nga akong word na cementum at calculus?. Kaya ipinaulit ko sa kanya kung ano ang dahilan ng pamamaga ng gums ko, dun sa salitang kanto na madali kong maiintindihan. Ang sagot niya, sobra daw kasi ako sa inom. Bigwasan ko nga sa panga, o di talsik yung second molar niya, pati yung periodontium at pulp canal niya nadamay tuloy, sinungaling kasi. Enday akina nga yung micardis este yung dolfenal ko jan at pakibukas na rin yung malamig na serbesa ko pleassseee.


0 comments: