Wednesday, April 15, 2009

please be with me

Maingay na ang balitang napalaot sa pinas si Barrraddd Pitt at yung waswit niyang may pouty lips para magbakasyon sa mga magagandang lugar sa pinas. Magandang balita iyan lalo na sa turismo natin. Ang ibig sabihin niyan ay may mga nagtitiwala pa rin na mga dayuhan sa lugar natin, kahit kabi-kabila ang mga "isolated incident" ng patayan at kidnapan sa pinas. Ang isa pang layunin daw ng sikat na magsiyota kaya sila "pumunta" sa pinas ay dahil gusto daw mag ampon ng bata nitong dalawang sikat na damuho.

HUWAAAA, sana isa ako sa mapili ninyo kung totoo nga na mag aampon kayo ng brown race. Mabait ako at hindi matakaw, kaya kung talagang aampon kayo ng noypi, please puede bang isama nyo na rin ako sa bahay ninyo sa tate. Huwag kayong mag-alala, ako na mismo ang lalakad sa adoption papers ko, marami akong kakilalang fixer sa recto at pasay, kaya kong madaliin ang mga papeles ko. Kaya please puede ba ako na lang po ang ampunin nyo mr & mrs smith?. Promise hindi ko papakialaman ang lipstick ni mommy smith.

0 comments: