Wednesday, September 23, 2009

Strangers in a new culture see only what they know

Ang bilis talaga ng araw, halos hindi ka pa nakakarekober sa hang-over mo at heto, ilang tulog na lang at friday na naman. Nagtataka lang ako, bakit kaya tuwing biyernes ay marami ang gumigimik. Puede namang araw-araw ay gumimik. Ang dami ko ngang nakikita jan sa kalye na walang ginagawa pero araw-araw ay tumutoma. Buti na lang at sa pinas tayo nakatira. Kasi hindi ba, sa ibang bansa kapag masyado kang mahilig sa toma ang tingin sa iyo ay "bum" ba yun. Madalas akong makapanood nito sa tv, yun bang nakasuot ng trens coat, trench kot, trench coat. Ah basta yung nakasuot ng mahabang jacket na marumi tapos nakaupo lagi sa bench at may hawak na isang boteng lapad ala karl malden at michael douglas. Sa ibang bansa kasi kapag daw masyado kang mahilig sa alak, ang tingin nila sa iyo ay sugapa na. Dito sa pinas kapag mahilig kang uminom at magpa-inom ng alak ang tingin nila sa iyo ay-BOSSING.

0 comments: